Unang Pahina
Napiling artikulo
Si Boa Kwon (Hangul: 권보아, Hanja: 權寶兒, Kwon Bo-ah), na mas kilala rin sa palayaw na BoA, na retroakronimo bilang Beat of Angel, ay isang Koreanang mang-aawit at mananayaw na aktibo sa Timog Korea, Hapon, at Estados Unidos. Ipinanganak siya at lumaki sa Gyeonggi-do bilang isang Romano Katoliko, natuklasan si BoA ng mga ahenteng pangtalento na SM Entertainment noong sinamahan niya ang nakatatanda niyang kapatid na lalake sa isang paghahanap ng talento. Makalipas ang kanyang dalawang taon ng pagsasanay, inilabas niya ang kanyang kauna-unahang Koreanong album, ang ID; Peace B, sa ilalim ng SM Entertainment. Makalipas ang dalawang taon, inilabas naman niya ang kanyang kauna-unahang Hapones na album, ang Listen to My Heart, sa ilalim ng Avex. Noong 8 Oktubre 2008, sa ilalim ng SM Entertainment USA, isang sangay ng SM Entertainment, inilabas naman ni BoA sa Estados Unidos ang kanyang sinsilyong "Eat You Up" at inilabas ang kanyang kauna-unahang Ingles na album, ang BoA noong 17 Marso 2009. Dala ng impluwensiya ng mga mang-aawit ng hip hop at R&B tulad nila Nelly at Janet Jackson, madalas na ka-genre o kauri ito ng mga awit ni BoA. At dahil nararamdaman ng naturang mang-aawit na "walang talento sa pagsulat (ng mga awit)", hinahawakan ng mga kasamahan niya ang mga sulat at komposisyon. At dahil sa kadahilanang iyon, nakatanggap siya ng mga kritisismo subalit sariling sulat naman ang ilan sa mga awit niya, nagsimula si BoA na lumikha ng komposisyon sa kanyang unang album na Hapones Listen to My Heart, na kung saan nakisulat siya at nagsagawa ng komposisyon sa awit na "Nothing's Gonna Change". Ang kanyang unang tagumpay ay nagsimula sa kanyang pagkadalaga, at naihambing siya kay Britney Spears.
Alam ba ninyo ...
- ... na ang dalawang comune ng Lambak Aosta na kabilang sa I Borghi più belli d'Italia (ang mga pinakamagandang nayon ng Italya) na Bard (nakalarawan) at Étroubles ay bahagi rin ng Via Francigena?
- ... na ang Australyanang madreng si Patricia Fox ng Rural Missionaries of the Philippines ay ipinatapon palabas ng Pilipinas noong Nobyembre 2018 matapos siyang pag-initan ng dating pangulong Rodrigo Duterte buhat ng mga gawaing misyonero?
- ... na ang pangalan ng comune ng Recetto ay nagmula sa ricetto, isang uri ng portipikasyon sa Medyebal na Italya na isang pamayanang agrikultural na napaliligiran ng mga tore at pader?
- ... na ang Simbahan ng San Pedro at San Pablo sa Potsdam, Alemanya ay halimbawa ng arkitekturang eklektiko, pinaghahalo ang mga elemento ng mga estilong Bisantino, Romaniko, at Klasisismo?
- ... na ang Kastilyo Sforza, na itinayo ni Francesco Sforza noong ika-15 siglo, ay itinayo sa parehong pook ng Castrum Portae Jovis, ang castra pretoria o kuta ng Guwardiyang Pretoryano nang ang Milan ay nagsilbing kabesera ng Imperyong Romano?
Napiling larawan
Ang Staatsoper Unter den Linden, kilala rin bilang Staatsoper Berlin (o Operang Pang-estado ng Berlin), ay isang nakatalang gusali sa bulebar Unter den Linden sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin, Alemanya. Ang bahay opera ay itinayo sa pamamagitan ng utos ng Prusong hari na si Federico II ng Prusya mula 1741 hanggang 1743 ayon sa mga plano ni Georg Wenzeslaus von Knobelsdorff sa estilong Palladiana
May-akda ng larawan: A.Savin
Sa araw na ito (Mayo 16)
- 1830 — Namatay si Joseph Fourier, isang matematiko at pisikong Pranses.
- 1866 — Nainbento ni Charles Elmer Hires ang root beer.
- 1953 — Ipinanganak si Pierce Brosnan, isang aktor sa James Bond.
- 1992 — Nagtapos ang unang lipad ng Space Shuttle Endeavour, isang sasakyang pangkalawakan ng Amerikanong ahensiyang pangkalawakang NASA.
- 2002 — Unang ipinalabas ang Star Wars Episode II: Attack of the Clones, ang ikalimang pelikula ng prankisang Star Wars.
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
47,345 artikulo |
126 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan
- Ipinabatid ni Punong Komander Oleksandr Syrskyi ng Ukranya ang buong pagbawi ng mga puwersang Ukranyo mula sa Avdiivka, kasunod ng buwan ng mabigat na labanan at ang pagsubok ng mga Ruso na ikubkob ang lungsod.
- Pitong sundalo at dalawang armadong Dawlah Islamiyah ang nakipagbarilan sa bayan ng Munai (nakalarawan ang lokasyon sa mapa ng Lanao del Norte) sa Lanao del Norte, Pilipinas. Apat na mga sundalo ang nasugatan, habang may ilang militante ang tumakas.
- Labing-dalawang tao ang napatay nang namaril ang isang lalaki sa kanyang pamilya sa isang pagtatalo sa isang nayon sa Kondehan ng Faryab, Lalawigan ng Kermān, Iran.
- Krisis sa Dagat Pula: Winasak ng militar ng Estados Unidos ang Houti na walang-taong behikulong pantubig at Houti na walang-taong behikulong panlupa habang isinasagawa ang tatlong pagsalakay laban sa mga misil na Houthi na kontra sa barkong naglalayag.
- Apat na tao ang namatay sa isang pamamaril sa isang linisan ng kotse sa Birmingham, Alabama, Estados Unidos.
-
Commons
Repositoryo ng midya -
Wikidata
Datos ng kaalaman -
Wikikawikaan
Mga sipi -
Wiktionary
Diksiyonaryo -
Wikispecies
Direktoryo ng mga espesye -
Wikivoyage
Gabay sa paglalakbay -
Wikisource
Aklatan -
Wikiversity
Kurso at aralin -
Wikinews
Balita at kaganapan -
Wikibooks
Aklat-aralin at manwal -
Wikifunctions
Librerya ng mga punsyon -
MediaWiki
Paggawa ng software na wiki -
Meta-Wiki
Koordinasyon ng proyektong Wikimedia
-
1,000,000+ artikulo
-
250,000+ artikulo
-
50,000+ artikulo