Unang Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Napiling artikulo

Si Jigme Khesar Namgyel Wangchuck noong 2019.

Si Jigme Khesar Namgyel Wangchuck (Dzongkha: འཇིགས་མེད་གེ་སར་རྣམ་རྒྱལ་དབང་ཕྱུག་, Wylie: jigs med ge sar rnam rgyal dbang phyug; ipinanganak noong Pebrero 21, 1980) ay ang ikalimang Druk Gyalpo (Dzongkha: Haring Dragon) ng Kaharian ng Bhutan at puno ng Angkan ng Wangchuck (dinastiyang Wangchuck). Siya ang kasalukuyang pinakabatang monarka at puno ng estado. Naluklok siya sa trono noong Disyembre 6, 2006 matapos magbitiw ang kanyang ama, ang ikaapat at dating Haring Dragon ng Bhutan na si Jigme Singye Wangchuck. Naganap ang pampublikong seremonya ng koronasyon noong Nobyembre 6, 2008, ang taon na minarkahan ang ika-100 ng monarkiya ng Bhutan. Kaugnay ng pamilya, panganay si Khesar ng kanyang ama at ng ikatlong asawa ng kanyang ama na si Reynang (Ashi) Tshering Yangdon. Mayroon siyang mga nakababatang kapatid na babae at lalaki, gayundin, may apat na kapatid na babae sa labas at tatlong kapatid na lalaki sa labas. Asawa niya si Jestun Pema, ang Druk Gyaltsuen (Dzongkha: Reynang Dragon) ng Bhutan. Mayroon silang dalawang anak, ang mga prinsipeng sina Jigme Namgyel Wangchuck at Jigme Ugyen Wangchuck. Pagkatapos tapusin ang kanyang pag-aaral sa mababa at mataas na paaralan sa Bhutan, nag-aral si Khesar sa ibang bansa sa Akademiyang Phillips (Andover), Akademiyang Cushing at Dalubhasaang Wheaton sa Massachusetts, Mga Nagkakaisang Estado, bago magtapos sa Dalubhasaang Magdalen, Pamantasan ng Oxford, Mga Nagkakaisang Kaharian, kung saan nakumpleto niya ang Programang Ugnayang Panlabas at MPhil sa Politika. Nakapaglakbay siya sa mga iba't ibang bansa, opisyal na kumakatawan ng Bhutan sa mga iba't ibang kaganapan at may aktibong gampanin sa mga pangkultura, pang-edukasyon at pang-ekonomiyang organisasyon.

Alam ba ninyo ...

Genova, palazzo dell'università, cortile 04.JPG

Napiling larawan

Berlin Opera UdL asv2018-05.jpg

Ang Staatsoper Unter den Linden, kilala rin bilang Staatsoper Berlin (o Operang Pang-estado ng Berlin), ay isang nakatalang gusali sa bulebar Unter den Linden sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin, Alemanya. Ang bahay opera ay itinayo sa pamamagitan ng utos ng Prusong hari na si Federico II ng Prusya mula 1741 hanggang 1743 ayon sa mga plano ni Georg Wenzeslaus von Knobelsdorff sa estilong Palladiana

May-akda ng larawan: A.Savin

Sa araw na ito (Mayo 13)

Mayo 13

Si Carl Linnaeus
  • 609 o 610 — Isinimulang ipagdiwang ang Todos los Santos sa kanluraning mundo nang ialay ni Papa Bonifacio IV ang Panteon sa Roma sa ngalan ng Banal na Birheng Maria at lahat ng mga martir.

Mga huling araw: Mayo 12Mayo 11Mayo 10

Patungkol

Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.

Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.

Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na:
44,585
artikulo
183
aktibong tagapag-ambag

Paano makapag-ambag?

Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.

Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan

Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.

Kaganapan

Waving from Buckingham Palace Balcony (52877352018) (cropped).jpg
  • Kinoronahan sina Haring Charles III at Reyna Camilla (nakalarawan pareho) sa isang seremonya sa Westminster Abbey sa London, Reyno Unido.
  • Matinding init sa Asya ng 2023: Nagtala ang Biyetnam ng pinakamataas nitong temperatura kailanman sa 44.2 °C (111.56 °F) sa distrito ng Tương Dương, lalawigan ng Nghệ An habang nagtala ang Laos ng pinakamataas nitong temperatura kailanman sa 43.5 °C (110.3 °F) sa Luang Prabang sa gitna ng isang matinding init. Sa Pilipinas, pinag-iisipan ng ilang mga grupo ang panukala ng isang mambabatas na ibalik sa dating kalendaryong pampaaralan ang pasok ng mga mag-aaral dahil sa matinding init.
  • Ipinabatid ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan na hindi na ito itinuturing ang COVID-19 na isang pandaigdigang emerhensiya sa kalusugan, sa halip, inuuri ito bilang isang pandaigdigang banta sa kalusugan.
  • Bumagal ang inplasyon noong Abril 2023 sa Pilipinas ayon sa Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas na si Felipe Medalla.
  • Mga ugnayang Azerbaijan–Iran: Pinaalis ng pamahalaan ng Iran ang apat na diplomatikong Azerbaijani bilang tugon sa kamakailang pagpapatalsik ng mga diplomatikong Irani ng pamahalaan ng Azerbaijan.
   Mga Wikipedia sa iba pang mga wika