Italya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Republikang Italyano

Repubblica italiana
Watawat ng Italya
Watawat
Emblem ng Italya
Emblem
Awiting Pambansa: Il Canto degli Italiani  (Italyano)
Ang Kanta ng mga Italyano
Kinaroroonan ng  Italya  (dark green) – sa Europe  (light green & dark grey) – sa the European Union  (light green)  —  [Gabay]
Kinaroroonan ng  Italya  (dark green)

– sa Europe  (light green & dark grey)
– sa the European Union  (light green)  —  [Gabay]


KabiseraRoma
Pinakamalaking lungsodcapital
Wikang opisyalItalyanoa
KatawaganItalyano
PamahalaanUnitary parliamentary constitutional republic
• Pangulo
Sergio Mattarella
Giorgia Meloni
LehislaturaParlamento
Senate of the Republic
Chamber of Deputies
Formation
• Pag-iisa
17 Marso 1861
• Republic
2 Hunyo 1946
• Founded the EEC (now the European Union)
1 Enero 1958
Lawak
• Kabuuan
301,338 km2 (116,347 mi kuw) (Ika-72)
• Katubigan (%)
2.4
Populasyon
• Pagtataya sa 2013
60,782,668[1] (Ika-23)
• Senso ng 2011
59,433,744[2] (Ika-23)
• Kapal
201.7/km2 ([convert: di tugmang yunit]) (Ika-63)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2014
• Kabuuan
$1.847 trilyon[3] (Ika-11)
• Bawat kapita
$30,803[3] (Ika-32)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2014
• Kabuuan
$2.171 trilyon[3] (Ika-8)
• Bawat kapita
$36,216[3] (Ika-27)
Gini (2011)31.9[4]
katamtaman
TKP (2013)Straight Line Steady.svg 0.872[5]
napakataas · Ika-26
SalapiEuro ()b (EUR)
Sona ng orasUTC+1
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono39c
Internet TLD.itd
  1. French is co-official in the Aosta Valley; Slovene is co-official in the province of Trieste and the province of Gorizia; German and Ladin are co-official in South Tyrol.
  2. Before 2002, the Italian Lira. The euro is accepted in Campione d'Italia, but the official currency there is the Swiss Franc.[6]
  3. To call Campione d'Italia, it is necessary to use the Swiss code +41.
  4. The .eu domain is also used, as it is shared with other European Union member states.

Ang Italya (Italyano: Italia), opisyal na Republikang Italyano (Italyano: Repubblica italiana) ay isang bansa sa Katimugang Europa. May populasyon na 62 milyon, ito'y ang ika-siyam na pinakamataong lugar sa Europa at ika-dalawampu't tatlong pinakamatao sa buong mundo.

Ang kanyang teritoryo ay binubuo ng isang mahabang peninsula o tangway at ng dalawang malaking isla sa Dagat Mediterranean: Sicily at Sardinia. Ang Alps at mga bansang Pransiya, Suwisa, Austria, at Eslobenya ay nasa hilagang hangganan nito. Ang mga malayang estado ng San Marino at Lungsod ng Vaticano ay enclaves sa loob ng teritoryong Italyano. Ang Italya ay kasama sa G7 o grupo ng pitong pinakaindustriyalisadong bansa sa mundo. Ito ay nasa puso ng sinaunang Imperyong Romano, at sa ngayon ay puno pa rin ng mga yamang kasaysayang pinagbabasehan ng sibilisasyong kanluranin.

Ang Roma, kabisera ng Italya, ay naging sentro ng pamahalaan ng Kanlurang Sibilisisasyon dahil ito'y ang naging kabisera ng Imperyong Romano. Pagkatapos ng pag-inog ng Imperyo ay pinrotektahan ng Italya ang Roma mula sa pag-sakop ng mga Alemanyang Tribo katulad ng mga mga Lombard at mga Ostrogoth, hanggang sa mga Norman at sa mga Byzantine at iba pa. Ilang siglo ang nakalipas, ang Italya ay ang naging kapanganakan ng Renaissance.[7]

Sa kanilang kasasaysayan bago ang mga Romanong Kastila, ang Italya ay nahati sa mga walang ka kupas-kupas na mga Kaharian at mga Estadong Lungsod (katulad ng Kaharian ng Sardinia at Ang Kaharian ng dalawang Sicily at duchy ng Milano) pero'y nagkaisa noong 1861.[8] Sa kahulihulian ng ika-19 na Siglo, sa daan ng Digmaan Pandaigdig I at hanggang sa Digmaan Pandaigdig II, ang Italya ay humawak ng Imperyanong Kolonyal, na umabot mula sa Libya, Eritrea, Italyanong Somaliland, Ethiopia, Albanya, Rhodes, Ang Dodecanese at sa Tianjin, Tsina. Ang Italya ay isa sa mga miyembro na nagsimula ng Europeong Komunidad na naging Unyong Europeo.

Ang Italya sa kasalukuyan ay isang republikang demokratiko at isang maunlad na bansa.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago ang 1861, ang Italya ay pangalang alitaya hindi pa isang ganap na Estado. Ang lugar ay hinati sa mga independenteng mga estado na pinunuan ng iba't ibang bansa. Noong 1850 si Earl ng Cavour na pinuno ng Estado ng Sardinia ay pinakausapan ang mga Austryano sa Lombardy at Veneto na gumawa ng isang Italyanong Hilagang Estado. Ito'y nangyari, pero ang ibang mga estado sa Timog at Silangan Italya ay bumuo ng mas malaking estado kasama ang Piedmont.

Noong 1860 si Giuseppe Garibaldi ay sumunod na humawak ng estado ng Sicily, na nagsimula ng pag-iisa ng Kaharian ng Italya sa sumunod na taon. Si Vittorio Emanuele II ay ginawang hari ng Kaharian. Pero noong 1861, ang Latium at Veneto ay hindi pa parte ng Kaharian dahil ang dalawang estado ay pinunuan ng Santo Papa at ang Imperyong Austryano.

Ang Veneto ay naging parte ng Italya noong 1866 pagkatapos ng isang digmaan laban ang mga Austriyano, at pinalunan ng mga Italyanong Sundalo ang Latium noong 1870. Ito'y nang kinuha ang kapangyarihan ng Santo Papa, pagkatapos ay nagalit ang Santo Papa dahil siya'y ginagawang bihag para hindi maging aktibo ang mga Katoliko sa Politika. Nang taon na yun ay sa huli ay nagkaisa ang Italya ulit.

Ang Italya ay nag-participar sa Unang Digmaan Pandaigdig na kasapi ng Britanya, Pransiya at Rusya kalaban ang Central Powers. Halos lahat ng away ng Italya ay malapit sa Austrya. Pagkatapos ang "Caporreto Defeat" akala ng Italya ay talunan na sila pero pagkatapos ang Capital Powers ay sumuko noong 1918 at nakuha ng Italya ang Trentino Tyrol, nang dati'y hawak ng Austrya.

Noong 1922, isang bagong Italyanong Pamahalaan ay nagsimula at si Benito Mussolini ay naging pinuno, isang lider ng fasisismo sa Italya. Siya'y naging pinuno ng Pamahaalan at isang Diktador, siya'y naging kaibigan ng Alemanyang Diktador na si Hitler, at si Mussolini ay naging kasapi nito sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pumasok sa Digmaan noong 1940 ang Italya kalaban ang Pransiya, Britanya at Rusya, at ang Italya ay hinawak ang halos buong Dagat Mediterranean.

Pinaalis si Mussolini sa grupo ng Fasismo noong 25 Hulyo 1943 at noong 8 Setyembre 1943, Si Badoglio ay inahayag na ang digmaan bilang kasapi ng Alemanya ay tapos na. Nagpatuloy ang Italya sa digmaan bilang kasapi ng Pransiya at Britanya pero ang mga Italyanong Sundalo ay walang kaalaman kung sino ibarilin. Sa Hilagang Italya, isang pagkikilos na kilala bilang Resistenza ay nagsimulang lumaban sa mga Alemanyang mananakop.

Si Mussolini ay sinubukan na bumuo ng bagong fasisimong estado sa Hilagang Italya, ang Republika ng Salò pero ito natagumpay. Noong 25 Abril 1945 ang Italya ay naging malaya. Ang Estado ay naging Republika noong 2 Hunyo 1946, at, sa unang pagkakagtaon ang mga babae ay pinayagan bumuto. Tinapos ng mga Italyano ang Savoia Dynasty at sinimulan ang Republikang Pamahalaan.

Noong Pebrero 1947 pumirma ng kasunduan ang Italya kasama ang mga Allies para ipakawala ang ilang mga Kolonya at Teritoryo.

Pumasok ang Italya sa NATO bilang isang tumatag na miyembro, at naging ang ika-siyam na pinakamalaking industriyang ekonomiya sa buong mundo.

Silipin din[baguhin | baguhin ang wikitext]

Talababa[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "National demographic balance, year 2013". ISTAT. Nakuha noong 18 June 2014.
  2. "Census 2011 - final results" (PDF). ISTAT. Nakuha noong 19 December 2012.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "Italy". International Monetary Fund. Nakuha noong 17 June 2014.
  4. "Gini coefficient of equivalised disposable income (source: SILC)". Eurostat Data Explorer. Nakuha noong 13 August 2013.
  5. "2014 Human Development Report Summary" (PDF). United Nations Development Programme. 2014. pa. 21–25. Nakuha noong 27 July 2014.
  6. "Comune di Campione d'Italia". Comune.campione-d-italia.co.it. 14 July 2010. Nakuha noong 30 October 2010.
  7. name="immaculateheartacademy.org"
  8. "Unification of Italy". Library.thinkquest.org. 4 Abril 2003. Tinago mula sa orihinal noong 7 Marso 2009. Nakuha noong 19 Nobyembre 2009.

Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang wikitext]