Unang Pahina
Napiling artikulo
Si Chiune Sugihara (Hapones: 杉原千畝, Sugihara Chiune; Enero 1, 1900 – Hulyo 1986) ay isang diplomatikong Hapones, na naglingkod bilang isang Pangalawang Konsul para sa Imperyong Hapones sa Litwanya. Daglian pagkaraan ng Pananakop sa Litwanya (Pananakop sa mga estadong Baltiko) ng Unyong Sobyet, tinulungan niya ang ilang libong mga Hudyo upang makalikas sa bansa sa pamamagitan ng mga bisa (sa pasaporte) na pantawid sa mga Hudyo upang makapaglakbay sila patungong bansang Hapón. Karamihan sa mga Hudyong nakaligtas ang nanggaling sa Polonya o mga naninirahan sa Litwaniya. Dahil sa kaniyang mga ginawa sa pagsagip sa mga Hudyo mula sa mga Nazi, pinarangalan si Sugihara ng Israel bílang Matuwid at Makatuwirang Kahalubilo ng mga Nasyon (o Righteous Among the Nations). Ipinanganak si Chiune Sugihara noong sa Yaotsu, isang rural na pook sa Prepekturang Gipu ng rehiyong Chūbu sa bansang Hapón, sa isang panggitnang-antas na ama, si Yoshimizu Sugihara, at Yatsu Sugihara, isang uring-samurai na ina.Ikalawa siya sa limang magkakapatid na laláki at iisang babae. Noong 1912, nagtapos siya ng may mga karangalan mula sa Paaralang Furuwatari, at pumasok sa Nagoya Daigo Chugaku (mataas na paaralang Zuiryo ngayon), isang magkasanib na mataas na paaralang pang-dyunyor at seniyor. Gusto ng tatay ni Sugiharang sundin nito ang mga yapak niya bílang isang manggagámot, ngunit sinadyang ibagsak ni Sugihara ang sarili mula sa pagsusulit para makapasok sa paaralang pangmedisina sa pamamagitan ng pagsulat lamang ng kaniyang pangalan sa mga papel ng pagsusulit. Sa halip, nagpatala siya sa Pamantasang Waseda noong 1918 at nagkaroon ng degri sa panitikang Ingles. Noong 1919, pumasa siya sa pagsusulit ng pang-iskolar ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas. Kinuha siya ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas ng Hapon at itinalaga siya sa Harbin, Tsina, kung saan nag-aral din siya ng mga wikang Ruso at Aleman, at naging isang dalubhasa sa pakikipag-ugnayang pang-Ruso sa kalaunan.
Alam ba ninyo ...
- ... na pinanghihinalaang nagkaroon ng relasyon ang babaeng pintor na si Louise Abbéma at ang aktres na si Sarah Bernhardt?
- ... na ang Esmeraldang Buddha (nakalarawan), ang paladyo ng Taylandiya, ay nagpalipat-lipat ng kinaroroonan gaya ng Wat Chedi Luang sa Chiang Mai at Wat Arun sa Thonburi bago sa kasalukuyang tahanan nito sa Wat Phra Kaew sa loob ng Dakilang Palasyo ng Bangkok?
- ... na ang mga bahay-tindahan sa Barrio Tsino, Singapur ay kakikitaan ng mga haluang arkitekturang Baroko at Victoriana?
- ... na sa magkakasunod na taong 2021 at 2022, ang Pandaigdigang Paliparang Hamad sa Doha, Qatar ay ginawaran bilang pinakamahusay na paliparan sa buong daigdig?
- ... na ang estasyong Amsterdam Centraal (nakalarawan) ng Amsterdam ay ang ikalawang pinakaabalang estasyong daambakal sa buong Olanda matapos ng Utrecht Centraal?
Napiling larawan
Ang Staatsoper Unter den Linden, kilala rin bilang Staatsoper Berlin (o Operang Pang-estado ng Berlin), ay isang nakatalang gusali sa bulebar Unter den Linden sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin, Alemanya. Ang bahay opera ay itinayo sa pamamagitan ng utos ng Prusong hari na si Federico II ng Prusya mula 1741 hanggang 1743 ayon sa mga plano ni Georg Wenzeslaus von Knobelsdorff sa estilong Palladiana
May-akda ng larawan: A.Savin
Sa araw na ito (Pebrero 20)
Pebrero 20: Pandaigdigang Araw ng Sosyal na Katarungan
- 1877 — Naganap sa Teatrong Bolshoi, Moscow ang unang pagtatanghal ni Tchaikovsky sa kanyang likha na Swan Lake.
- 1933 — Palihim na nakipagkita si Adolf Hitler sa mga industriyalistang Aleman para pondohan ang Partidong Nazi sa paparating na eleksyon.
- 1943 — Namuo ang bulkan ng Parícutin (nakalarawan) sa Parícutin, Mehiko.
- 1986 — Pinalipad ng Unyong Sobyet ang Mir na tumagal ng 15 taon sa orbito at tinirhan ng tao sa loob ng sampung taon.
- 2013 — Natuklasan ang Kepler-37b, isang maliit na ekstrasolar na planeta.
Mga huling araw: Pebrero 19 — Pebrero 18 — Pebrero 17
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
43,924 artikulo |
169 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan
- Hindi bababa sa 3,400 katao ang namatay sa Turkiya at Siria habang ang isang lindol na may magnitud 7.8 ang tumama sa Lalawigan ng Gaziantep, Turkiya.
- Iniutos ni Punong Ministro Shehbaz Sharif ng Pakistan na alisin ang pagbabawal sa Wikipedia, tatlong araw pagkalipas ng pagbabawal sa websayt sa diumanong nilalaman na kontra-Muslim at kalapastanganan.
- Sa 32 panalo, nagtala ang Amerikanong mang-aawit na si Beyoncé (nakalarawan) ng isang rekord sa Gawad Grammy para sa pinakamaraming panalo, na nilagpasan ang Ungaryong konduktor na si Georg Solti.
- Namatay ang walong katao sa Austrya at dalawang iba pa sa Switzerland sa isang serye ng avalanche.
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas: Nagtala ang Pilipinas ng 1,102 bagong kaso ng COVID-19 mula Enero 30 hanggang Pebrero 5, 2023. Ito ang unang pagkakataon sa 39 linggo na pag-uulat na walang malala o kritikal na kaso.
-
1,000,000+ artikulo
-
250,000+ artikulo
-
50,000+ artikulo