Napiling artikulo
Ang alkimiya ay isang sinaunang mala-agham na may elemento ng kimika, pisika, astrolohiya, sining, semiotika, metalurhiya, medisina, mistisismo, at relihiyon. Tatlo ang pangunahing layunin ng maraming alkimiko. Isa sa pinakakilala rito ay ang layuning makagawa ng ginto o ng pilak mula sa ano mang karaniwang metal sa pamamagitan ng transmutasyon (pagbabagong-anyo). Sinubukan din nilang gumawa ng isang tanging gamot na makapagpapagaling sa lahat ng sakit at magpapahaba ng buhay. Isa rito ay ang paggamit ng bato ng pilosopo. Ang maalamat na batong ito, na maaaring ring pulbos o likido, ay may katangian daw gawin ang dalawang nasabi. Ang paglalang ng buhay ng tao ang ikatlong layunin nito. Sinasabing ang alkimiya ang siyang pinagmulan ng makabagong agham ng kimika bago ang pormulasasyon ng makaagham na pamamaraan. Ang salitang alkimiya ay mula sa salitang Arabe na al-kīmiya o al-khīmiya (الكيمياء or الخيمياء), na maaring binuo mula sa pantukoy na al- at salitang Griyegong khumeia (χυμεία) na may kahulugang "humubog", "maghinang", "humulma" at iba pa (mula sa khumatos, "na siyang ibinuhos, isang kinapal na metal"). Ang isa pang sinasabing pinagmulan ng salitang Arabeng al-kīmiya ay ang kahulugang literal nito na "agham ng Ehipto" na galing sa salitang Coptico na kēme. Ang salitang Coptico ay galing naman sa salitang Demotico kmỉ, na galing naman sa lumang Ehipsyong salitang kmt na tumutukoy sa bansa o kulay na "itim".
Napiling larawan
Ang Black Lives Matter (BLM, lit. na
'Mahalaga ang Buhay ng [Lahing] Itim') ay isang desentralisadong kilusang pampulitika at panlipunan na naglalayong itampok ang diskriminasyon ng lahi, at hindi pagkakapantay-pantay ng lahi na nararanasan ng mga taong may lahing itim. Kapag nagsasama-sama ang mga tagasuporta ng kilusang ito, ginagawa nila ito bilang protesta laban sa mga insidente ng brutalidad ng pulisya at karahasang udyok laban sa mga taong may lahing itim. Nagsimula ito kasunod ng pagpatay kina Trayvon Martin, Michael Brown, Eric Garner, Pamela Turner at Rekia Boyd, bukod sa iba pa. Tipikal na tinataguyod ng kilusan at mga kaugnay na mga organisasyon nito ang iba't ibang pagbabago sa polisiya na tinuturing may kaugnayan sa pagpapalaya sa mga taong may lahing itim. Habang may mga tukoy na samahan tulad ng Black Lives Matter Global Network na tinatakan ang sarili bilang "Black Lives Matter", ang kilusang Black Lives Matter ay binubuo ng isang malawak na hanay ng mga tao at mga organisasyon. Nananatili ang slogan o sawikain na "Black Lives Matter" mismo na hindi nakatatak-pangkalakal ng anumang pangkat.
May-akda ng larawan: Rhododendrites
|
Mga kamakailang pangyayari
- Pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Batas Republika 11934, ang batas sa pagrerehistro ng SIM kard ng mga teleponong selular sa Pilipinas, na naglalayong sugpuin ang mga spam sa mensaheng text at mga panloloko.
- Ginawaran ang mga Amerikanong sina Ben Bernanke, Douglas Diamond at Philip H. Dybvig ng Memoryal na Premyong Nobel sa mga Agham Ekonomika "para sa pananaliksik sa mga krisis sa bangko at pananalapi".
- Tatlong nakadetine sa Sentro ng Kustodiya ng Kampo Crame ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang tangkang tumakas at sinugatan ang isang pulis. Napatay ang dalawa habang ang isa naman ay panandaliang binihag si dating Senadora Leila de Lima (nakalarawan) subalit napatay din ang nagbihag at naging ligtas si De Lima.
- Panahon ng bagyo sa Atlantiko ng 2022: Lumapag ang Bagyong Julia sa magdamag sa Laguna de Perlas, Nicaragua. Nagdulot ito ng isang pagguho ng lupa sa nakalipas na araw dulot ng malakas na ulan na kinitil ang hindi bababa sa 22 katao sa Santos Michelena, Venezuela.
- Namatay ang tatlong katao nang tumaob ang bangkang panturista na yari sa kahoy, na naglalaman ng 14 katao sa Gdańsk, Polonya.
Alam ba ninyo
Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:
- ... na ang arkitekturang Sino-Portuges ay laganap sa mga makasaysayang pamayamanan ng mga nandarayuhang Tsino gaya ng Lumang Phuket, Singapur (nakalarawan), at George Town?
- ... na matatagpuan sa lungsod ng Wuppertal, Hilagang Renania-Westfalia, Alemanya ang Wuppertal Schwebebahn, isang halimbawa ng suspendidong daambakal, na itinatag noong 1901?
- ... na, sa mga komuna (comune o munisipalidad) ng Italya, ang Atrani ang pinakamaliit sa lawak na 0.12 km2 (0.05 milya kuwadrado) habang ang Morterone ang may pinakamaliit na populasyon na may 31 naninirahan?
- ... na ang Potsdam, kabesera ngayon ng estado ng Brandeburgo, ay naging tirahan ng mga Prusong hari at Emperador ng Alemanya at kinakikitaan ng mga palasyo gaya ng Sanssouci?
- ... na pinanatili ni Ferdinand Marcos ang buong kapangyarihan bilang diktador kahit pa pormal na natanggal ang batas militar noong Enero 17, 1981?
|