Nazismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Pambansang sosyalismo (Aleman: Nationalsozialismus), na higit na kilala bilang Nazismo (pagbigkas: nát•zis•mo), ay ang ideolohiya at gawaing kaugnay ng ika-20 siglong Partido Nazi sa Alemanya at estadong Nazi pati na rin ng iba pang mga sukdulang-kanang grupo. Karaniwang nailalarawan bilang anyo ng pasismo na may halong rasismo at antisemitismo. Sumibol ang Nazismo mula sa impluwensiya ng pangermanismo, ang Aleman na pambansang kilusuan na Völkisch, at ng mga kontra-komunistang pangkat paramilitar na Freikorps na nagsulputan noong Republikang Weimar, pagkatapos matalo ng Alemanya sa Unang Digmaang Pandaigdig.