Skip to Content

Mga bakuna sa COVID-19 sa VA

Basahin ang pahinang ito upang malaman kung paano makakakuha ng iyong bakunang COVID-19 sa VA. At kunin ang pinakabagong mga pag-update ng bakuna sa VA at mga sagot sa mga karaniwang katanungan.

Pinakabagong balita tungkol sa booster na iniksyon at mga karagdagang dosis

Bagong balita tungkol sa pangalawang booster

Maaari na kayong makakuha ng pangalawang booster kung may 4 na buwan na ang nakalipas matapos ang unang booster at kung kayo ay nabibilang sa kahit anuman sa mga sumusunod:

  • Kayo ay may 50 taong gulang, o
  • Ang unang bakuna at booster na natanggap ay Janssen (J&J), o
  • Medyo mahina o lubhang mababa inyong resistensiya 

Maaari kayong pumili ng bakuna laban sa COVID-19 na Moderna o Pfizer-BioNTech para sa inyong pangalawang booster.

Laging makibalita patungkol sa inyong mga bakuna laban sa COVID-19

Ang pinakamabuting paraan para maprotektuhan ang inyong sarili at ang inyong pamilya ay ang laging makibalita patungkol sa inyong mga bakuna laban sa COVID-19. Patuloy na nagbibigay-proteksiyon ang mga bakuna at booster sa mga bagong uri ng coronavirus (gaya ng Omicron). Kung kayo ay nararapat, magtungo para sa inyong COVID-19 na booster, pangalawang booster o karagdagang dosis ngayon.

Alamin kung kailan at paano makakuha ng booster at mga karagdagang dosis

Paalala: Hindi lahat ng pasilidad ng VA ay mayroong lahat ng klase ng bakuna. Maaaring iba-iba ang maibibigay na bakuna ng pasilidad sa iba’t-ibang panahon. At hindi lahat ng pasilidad ay nakapagbibigay ng bakuna sa mga kabataang 18 taong gulang pababa. Kumpirmahin na ang pasilidad ay mayroong bakunang gusto mo bago ka pumasok para makuha ang iyong bakuna.

Pagtatatuwa: Madalas naming ina-update ang website na ito. Ang ilan sa nilalaman ay maaaring nasa English lang hanggang sa maisaling-wika namin ang lahat ng bagong nilalaman.

Sino ang makakakuha ng bakuna laban sa COVID-19 sa VA

Nag-aalok kami ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa mga pangkat na ito:

  • Lahat ng Beterano (kabilang ang mga Beteranong nakatira o bumiyahe sa labas ng U.S. at karapat-dapat para sa VA Foreign Medical Program (sa English))
  • Mga asawa at naiwang asawa ng mga Beterano
  • Mga Tagapag-alaga ng mga Beterano (kabilang ang mga miyembro ng pamilya o mga kaibigan na nangangalaga sa isang Beterano)
  • Mga tumatanggap ng benepisyong Civilian Health and Medical Program of the Department of Foreign Affairs (CHAMPVA)

Mas maraming impormasyon kung sino ang makakakuha ng bakuna

Ang lahat ng mga Beterano ay karapat-dapat na para sa bakuna sa Covid-19 sa VA.

Kasama dito ang kahit sinong naglingkod sa militar ng Estados Unidos, kasama ang U.S. National Guard, Reserves o Coast Guard.

Kabilang din dito ang kahit sinong naglingkod sa kahit anong mga tungkulin:

  • Komisyonadong opisyal ng Regular o Reserve Corp ng Pampublikong Serbisyo para sa Kalusugan, o
  • Komisyonadong opisyal ng National Oceanic and Atmospheric Administration (o Coast and Geodetic Survey), o
  • Kadete sa U.S. Military, Air Force o Coast Guard Academy, o
  • Kadete sa hukbong-dagat sa United States Naval Academy

Kasama rin dito ang mga Beteranong nakatira o bumiyahe sa labas ng Amerika at nararapat para sa VA Foreign Medical Program (sa English)

Opo. Para sa mga karapat-dapat na kabataang may edad na 12 hanggang 17, pwede nang mabakunahan ng Pfizer-BioNTech sa pasilidad ng VA na mayroon nito.

Karapat-dapat ang mga kabataan kung matutugunan nila ang mga kailangan:

  • Tumatanggap sila ng mga benepisyong CHAMPVA, o
  • Nag-aalaga o tumutulong sila sa isang Beterano

Narito ang dapat malaman:

Upang maging nararapat para sa bakuna laban sa COVID-19, tinutukoy namin ang tagapag-alaga bilang isang miyembro ng pamilya o kaibigang nangangalaga sa isang Beterano. Ang mga tagapag-alaga ay maaari rin tumulong sa isang Beterano sa kanyang mga personal na pangangailangan tulad ng pagkain, paliligo o pagbibihis. Maaari rin silang tumulong sa mga gawain tulad ng pamimili o transportasyon.

Opo. Mahigpit na inirerekomenda ng CDC at ng iba pang mga eksperto na ang mga buntis, may planong mabuntis o nagpapasuso ay mabakunahan laban sa COVID-19.

Mataas ang panganib na magkasakit ng malubha mula sa COVID-19 ang mga buntis. Ibig sabihin ng malubhang sakit ay ang pagkakaospital, kailangan ng respirador para makahinga o sakit na maaaring ikamatay. Mataas rin ang panganib na mapaanak ng kulang sa buwan.

Makakatulong ang bakuna laban sa COVID-19 na maprotektuhan kayo. At naniniwala ang mga eksperto na ligtas gamitin ang bakuna laban sa COVID-19 ng mga buntis, may planong mabuntis o nagpapasuso.

Mas alamin ang tungkol sa bakuna laban sa COVID-19 habang buntis o nagpapasuso

Ipinapakita ng datos na mula sa klinikal na pagsubok na ligtas ang 3 awtorisadong bakuna sa COVID-19 sa mga taong nahawahan na na virus na nagdudulot ng COVID-19.

Kung kasalukuyan kayong may sakit dahli sa COVID-19, kailangan ninyong maghintay hanggang sa gumaling kayo, at hanggang sa tapos na kayo sa pagbubukod bago makapagpabakuna.

Kung tumanggap kayo ng passive antibody therapy para gamutin ang COVID-19, kailangan ninyong maghintay nang hindi bababa sa 90 araw bago magpabakuna para sa COVID-19.

Opo. Mababakunahan kayo laban sa COVID-19 at trangkaso nang sabay. Narito ang mga rekomendasyon ng CDC:

  • Kung hindi pa kayo nababakunahan ng rekomendadong dosis ng bakuna laban sa COVID-19, magpabakuna na kayo agad sa lalong madaling panahon.
  • Pilitin ninyong mabakunahan laban sa trangkaso bago matapos ang Oktubre. Mahalag ang bakuna laban sa trangkaso bilang proteksyon ninyo at ng inyong pamilya kada taon.

Mas alamin ang tungkol sa mga bakuna laban sa trangkaso at COVID-19 sa website ng CDC (sa English)


Paano makakuha ng bakuna laban sa COVID-19 sa VA

Hinihikayat namin kayong magpabakuna hangga’t maaari. Ito ang pinakamabisang paraan upang maprotektuhan kayo, ang inyong pamilya at ang inyong komunidad laban sa COVID-19. Ito ay lalong mahalaga dahil may mga ibang klaseng coronavirus ang mabilis na kumakalat ngayon sa Estados Unidos.

Paano makakuha ng una o ikalawang dosis ng bakuna

  • Hanapin ang pasilidad ng VA na merong oras para kayo ay mag walk-in sa kanilang klinida para sa Covid-19 kahit walang appointment. Hindi lahat ng pasilidad ay nagbibigay ng bakuna kung wala kayong appointment. Siguraduhin muna sa website ng pasilidad kung sila ay nagbibigay ng bakuna kahit wala kang appointment bago kayo pumunta. Pagdating ninyo, maaaring, maghintay muna habang inihahanda ng staff o clerk o tauhan ang inyong bakuna.

  • O kaya ay tumawag sa kalusugang pasilidad ng VA na nag-aalok ng bakuna para maitakda *ang inyong appointment. Matutulungan kayo ng aming staff na humanap ng appointment na madali para sa inyo.

Narito ang kailangang malaman bago pumunta:

  • Kailangan magkapareho ang matatanggap na dosis ng bakuna. Kapwa sa mga bakuna sa Pfizer-BioNTech at Moderna ang mga ito ay nangangailangan ng 2 dosis para maging epektibo. Kailangang pareho ang tatanggapin ninyong bakuna para sa dalawang dosis. Hindi lahat ng pasilidad ng VA ay may parehong bakuna sa ngayon. At maaari ring iba-iba ang bakunang iniaalok ng pasilidad sa ibang panahon. Tiyakin na ang pasilidad ay may bakunang kailangan ninyo bago kayo pumunta.
  • Kung hindi kayo nagpapagamot sa VA, hinihikayat namin kayong magpa-register o magparehistro kahit na 1 oras bago kayo magtungo sa mga klinikang hindi kailangan ng appointment. Makakatipid ka sa oras pagdating mo.
    Mag-sign up upang makakuha ng bakuna laban sa COVID-19 sa VA (sa English)
  • Kung nakuha mo ang unang dosis ng bakuna sa labas ng VA, maaari pa rin kayong mabakunahan ng ikalawang dosis sa VA.
  • Ang lahat ng pumapasok sa pasilidad ng VA ay kailangang magsuot ng panakip sa ilong at bibig at kumpletuhin ang mga katanungan para sa mga symptoms o sintomas patungkol sa COVID-19.

Hanapin ang mga pasilidad ng VA na malapit sa inyo na nag-aalok ng mga bakuna laban sa COVID-19 (sa English)

Paano makakatanggap ng booster o karagdagang dosis

Nag-aalok na kami ng booster na iniksyon para sa COVID-19 sa mga taong nararapat ayon sa mga rekomendasyon ng CDC. Nag-aalok kami ng karagdagang dosis ng bakuna sa mga ilang pangkat na may mahinang resistensiya. 

Mas alamin ang tungkol sa booster na iniksyon at karagdagang dosis


Mas maraming impormasyon tungkol sa pagkuha ng iyong bakuna sa VA

Nasa sa inyo kung nais ninyong mabakunahan o hindi. Hindi makakaapekto ang inyong desisyon sa iyong pangangalaga ng kalusugan sa VA at sa inyong mga benepisyo sa kahit anong paraan. 

Kung may mga katanungan kayo bago magpasiyang mabakunahan:

Mas alamin ang tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19

Mas alamin ang tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 habang buntis o nagpapasuso

Kunin ang payo tungkol sa bakuna laban sa COVID-19 sa mga nangangalaga ng kalusagan sa Beterano at VA (sa English)

Magpadala ng garantisadong ligtas na mensahe sa nangangalaga ng inyong kalusagan sa VA (sa English)

Bago ka magpabakuna

Mga kalusugang pasilidad VA

Nag-aalok kami ng mga bakuna para sa COVID-19 sa maraming pangkalusugang pasilidad ng VA at mga klinika.

Hinihikayat namin kayong pumunta sa parehong lokasyon para sa parehong dosis ng bakuna. Ngunit kung mas madali, maaari kayong pumunta sa kahit anong pasilidad ng VA na nag-aalok ng pareho sa unang bakunang natanggap ninyo. Hanapin lang ang pasilidad na nag-aalok ng bakunang kailangan ninyo.

Upang malaman ang tungkol sa kasalukuyang plano, magtungo sa website ng pasilidad. Kapag nasa website na, magtungo sa Health care services, tapos sa COVID-19 sa menu.

Hanapin ang inyong pinakamalapit na pangkalusugang pasilidad ng VA na nag-aalok ng bakuna para sa COVID-19 (sa English)

Mga pasilidad sa pangangalaga ng pamayanan

Ang mga lokasyon ng agarang pangangalaga at parmasya sa ating network sa pangangalaga ng komunidad ng mga bakuna sa COVID-19 sa mga Beterano. Sinusunod ng mga lokasyong ito ang kanilang mga panlokal, pang-estado o pangteritoryong plano sa bakuna. Mga Beterano hindi inuuna ang kaysa sa ibang gustong magpabakuna sa mga lokasyong ito.

Kung kayo ay nakalista sa pangangalaga ng kalusugan ng VA at magpupunta kayo sa isang lokasyon ng pangangalaga ng komunidad para magpabakuna para sa COVID-19, i-download ang aming pharmacy information card (PDF) (sa English). Ipakita ang card sa provider bago kayo magpabakuna.

Dagdagan ang nalalaman tungkol sa kung paano makakapagpabakuna para sa COVID-19 mula sa isang provider sa komunidad (sa English)

Hinihikayat namin kayong kunin ang unang pagkakataon na mabakunahan sa lokasyon na pinakamaigi para sa inyo.

Hanapin ang iba pang mga nagbibigay ng bakuna na malapit sa inyo sa finder website ng bakuna ng CDC (sa English)

Kung kayo ay kasalukuyang tumatanggap ng pangangalaga sa VA, maaaring makipag-ugnayan sa inyo ang lokal na pangkalusugang pasilidad ng VA sa pamamagitan tawag, email o text. Kung kayo ay nararapat o nais ninyong mabakunahan, hinihikayat namin ang inyong kasagutan.

Ngunit, bago kayo magbigay ng kahit anong personal na impormasyon o kaya ay i-click ang kahit anong link, siguraduhin na ang tawag, email o text ay mula sa VA.

  • Laging manggagaling ang tawag sa 80728.
  • Laging manggagaling ang email sa va.gov na address.
  • Kung may tatawag sa inyo mula sa VA at hindi ninyo kilala ang numero, itanong ang numerong maaaring matawagan. Pagkatapos, tumawag sa inyong lokal na pangkalusugang pasilidad ng VA para makatiyak.

Maaaring anyayahan kayo ng pasilidad na magpabakuna sa ibang mga paraan:

  • Maaaring anyayahan kayo sa isang malaking pagtitipon para sa bakuna tulad ng klinikang drive-thru.
  • Maaaring alukin kayo ng tiyak na petsa at oras para mabakunahan.
  • Maaaring sabihin sa inyong magtakda ng tipan.

Bago kayo magpabakuna, sabihin sa provider na magbibigay sa inyo ng bakuna ang tungkol sa lahat ng inyong mga medikal na kondisyon. Tiyakin na masasabi ninyo sa inyong provider kung naaangkop sa inyo ang anuman sa mga nasa ibaba:

  • Mayroon kayong mga alerhiya
  • Mayroon kayong lagnat
  • May problema kayo sa pagdurugo o gumagamit ng pampalabnaw ng dugo
  • May kondisyon kayong nagpapahina sa inyong immune system at sanhi para kayo ay maging immunocompromised (gaya ng cancer, HIV, organ transplant, o genetic immune deficiency)
  • Umiinom kayo ng gamot na nakakaapekto sa inyong immune system (gaya ng chemotherapy o corticosteriods)
  • Kayo ay buntis, nagpaplanong mabuntis, o nagpapasuso
  • Nakatanggap kayo ng ibang bakuna sa COVID-19

Kung nagkaroon kayo ng matinding alerhiya sa anumang sangkap ng bakuna sa COVID-19, hindi kayo dapat magpabakuna para sa COVID-19.

Para madagdagan ang kaalaman tungkol sa dapat mong malaman bago magpabakuna pati na rin ang listahan ng sangkap, bashin ang mga listahan ng impormasyon ng FDA:

Pumunta sa website ng CDC para madagdagan ang nalalaman tungkol sa mga bakuna sa COVID-19 at mga alerhiya (sa English)

Binigyan ng awtorisasyon o inaprubahan ng FDA ang 3 bakuna laban sa COVID-19 para magamit ng publiko:

  • Ang bakunang Pfizer-BioNTech ay para sa mga taong hindi bababa sa 5 taong gulang
  • Ang bakunang Moderna ay para sa mga taong hindi bababa sa 18 taong gulang
  • Ang bakunang Janssen (Johnson & Johnson) ay para sa mga taong hindi bababa sa 18 taong gulang

Mahigpit na inirerekomenda ngayon ng CDC na mabakunahan ng Pfizer-BioNTech o Moderna.

Mas alamin ang tungkol sa mga uri ng bakuna sa website ng CDC (sa English)

Paalala: Hindi lahat ng mga pangkalusugang pasilidad ng VA ay mayroong lahat ng uri ng bakuna. At, maaaring iba’t-ibang bakuna ang ialok ng mga pasilidad sa iba’t-ibang panahon.

Pagkatapos mong mabakunahan laban sa COVID-19

Maaari kayong magkaroon ng ilang side effect pagkatapos ninyong magpabakuna para sa COVID-19. Normal na mga senyales ang mga side effect na nagtatatag ng proteksyon ang inyong katawan laban sa COVID-19.

Parang trangkaso ang pakiramdam ng mga side effect na ito. Maaari din nitong maapektuhan ang inyong kakayahang magtrabaho o gumawa ng ibang mga pang-araw-araw na aktibidad. Ngunit mawawala rin sa loob ng ilang araw ang anumang mga side effect.

Ang ilang tao ay nakapag-ulat ng matinding mga alerhiya sa bakuna sa COVID-19. Kapag nagpabakuna kayo para sa COVID-19 sa VA, susubaybayan namin nang mabuti ang inyong reaksyon sa loob ng 15 o 30 minuto matapos kayong bakunahan. Ibibgay din namin sa inyo ang lahat ng impormasyong kailangan ninyo tungkol sa dapat gawin kung makaranas kayo ng anumang mga side effect.

Matuto nang higit pa tungkol sa kung ano ang aasahan pagkatapos ng isang bakunang COVID-19 sa website ng CDC (sa English)

Para madagdagan ang nalalaman tungkol sa mga naiulat na side effect para sa 3 awtorisadong bakuna, basahin ang mga listahan ng impormasyon ng FDA:

Nasa ilalim ng masusing pagsubaybay para sa kaligtasan sa kasaysayan ng Amerika ang milyun-milyong tao sa Estados Unidos na nabakunahan para sa COVID-19. Maraming tao ang nag-ulat ng bahagya lang na pangalawang epekto matapos mabakunahan para sa COVID-19. Bihira ang mga malalang pangalawang epekto.

May kaunting bilang ng tao ang nagkaroon ng malubhang alerhiya (“analapilaksiya” kung tawagin) matapos mabakuhan para sa COVID-19. Ngunit, bihira ito. Pagkatapos ninyong mabakunahan sa VA, oobserbahan namin kayo ng 15 hanggang 30 minuto. Kung may reaksyon, may mga gamot naman kami para malunasan ito agad.

Patuloy na pagsubaybay

Susubaybayan namin nang mabuti ang lahat ng magpapabakuna para sa COVID-19 pagdating sa mga reaksyon, side effect, o di-kanais-nais na kaganapan. Ang di-kanais-nais na kaganapan ay isang pinsala o kapahamakang mangyayari sa isang tao pagkatapos niyang mabakunahan, na maaaring dulot o hindi ng bakuna.

Luulat namin ang impormasyong ito sa aming sistema ng pagmo-monitor at pagsubaybay sa bakuna. Ito rin ang sistemang ginagamit namin upang subaybayan ang mga reaksyon sa lahat ng bakuna, pati na rin ang para sa flu (trangkaso) at shingles (kulebra).

Para makakuha pa ng impormasyong tungkol sa kaligtasan sa bakuna sa COVID-19 sa iba't ibang wika, pumunta sa website ng CDC:

Kapag kayo ay nabakunahan laban sa COVID-19, isasama namin itong impormasyon sa inyong talaang pangkalusugan ng VA. Nasa sa inyo kung nais ninyong magpabakuna. Hindi makakaapekto ang inyong desisyon sa iyong pangangalaga ng kalusugan sa VA at sa inyong mga benepisyo sa kahit anong paraan.

Ginagamit namin sa loob ng VA ang impormasyon tungkol sa estado ng inyong bakuna sa mga ilang kadahilanan:

  • Upang matulungan ang bawat isang Beterano sa kanilang pangangalaga
  • Upang makipag-ugnayan sa mga Beteranong maaaring nangangailangan ng bakuna
  • Upang hanapin ang mga lugar o pangkat ng mge Beteranong mababa ang antas ng mga nabakunahan upang makapaglaan kami ng impormasyon at klinika para sa bakuna

Makukuha mo ang kopya ng iyong VA na talaan ng bakunang COVID-19 sa website ng My HealtheVet o kaya sa iyong mobile na device.

Alamin kung paano makuha ang iyong VA na talaan ng bakunang COVID-19 sa online

Ibabahagi namin sa CDC ang parehong impormasyong ibinahagi rin namin para sa ibang mga bakuna. Kabilang dito ang ang sumusunod na impormasyon:

  • Demograpikong impormasyon (tulad ng edad, kasarian, lahi at etnisidad) na makakatulong sa CDC na maintindihan kung aling pangkat ng mga taong tumanggap ng bakuna

  • Mga masamang reaksyon sa bakuna

Hindi namin ibabahagi ang inyong pangalan o tirahan.

Maaaring mag-alok ang inyong pinagtatrabahuan o ang lokal na mga pampublikong kalusugang opisyal ng bakuna laban sa COVID-19. Nasa sa inyo kung nais ninyong magpabakuna.

Dapat ninyong malaman na kahit Pfizer-BioNTech o Moderna na bakuna ang natanggap ninyo, kailangan ninyo ng 2 dosis. Ang dalawang bakuna ay parehong dumaan sa pagsusuri sa kaligtasan at kailangan ng 2 dosis ang parehong bakuna para maging mabisa.

Kung ang unang bakuna ay natanggap ninyo sa labas ng VA, maaari pa rin kayong makakuha ng ikalawang dosis dito.

Kung ang desisyon ninyo ay magpabakuna laban sa COVID-19 sa labas ng VA, hinihikayat namin kayong ibahagi ang impormasyong ito sa inyong grupong nangangalaga sa inyong kalusugan sa VA.

Maaari kayong magpadala ng litrato ng talaan ng bakuna sa inyong tagapangalaga sa VA sa pamamagitan ng garantisadong ligtas na mensahe (sa English)

Maaari rin idagdag ang impormasyon ng bakuna sa iyong buod ng kalusugan sa My HealtheVet para sa iyong sariling talaan. Para idagdag ang impormasyon, kailangan mo ng Premium My HealtheVet na account. Mas alamin ang tungkol sa pamamahala ng talaan ng bakuna laban sa COVID-19 sa online

Alamin kung paano makuha ang iyong VA na talaan ng bakunang COVID-19 sa online

Kung mayroon pa kayong mga katanungan tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 sa VA, tumawag sa aming pangunahin linya ng impormasyon sa MyVA411 800-698-2411 (TTY: 711).