Si Boa Kwon (Hangul: 권보아, Hanja: 權寶兒, Kwon Boa), na mas kilala rin sa palayaw na BoA, na retroakronimo ng Beat of Angel, ay isang Koreanang mang-aawit at mananayaw na aktibo sa Timog Korea, Hapon, at Estados Unidos. Ipinanganak siya at lumaki sa Gyeonggi-do na Romano Katoliko, natuklasan si BoA ng mga ahenteng pangtalento na SM Entertainment noong sinamahan niya ang nakatatanda niyang kapatid na lalake sa isang talent search. Makalipas ang kanyang dalawang taon ng pagsasanay, inilabas niya ang kanyang kauna-unahang Koreanong album, ID; Peace B, sa ilalim ng SM Entertainment. Makalipas ang dalawang taon, inilabas naman niya ang kanyang kauna-unahang Hapones na album, Listen to My Heart, sa ilalim ng Avex. Noong 8 Oktubre 2008, sa ilalim ng SM Entertainment USA, isang sangay ng SM Entertainment, inilabas naman ni BoA sa Estados Unidos ang kanyang sinsilyong "Eat You Up" at inilabas ang kanyang kauna-unahang Ingles na album, BoA noong 17 Marso 2009.
Ang bakunang mRNA ay isang uri ng bakuna na ginagamit ang isang kopya ng isang molekula na tinatawag na messenger RNA (mRNA) upang makagawa ng tugon sa inmune. Nagpapadala ang bakuna ng mga molekula ng antigen-encoding (antihenong nagsasakodigo) na mRNA papunta sa selulang inmune, na gamit ang dinisenyong mRNA bilang isang kopya upang gawin ang banyagang protina na karaniwang nalilikha ng isang mikroorganismo (tulad ng isang bayrus) o sa pamamagitan ng isang selula ng kanser. Pinapasigla ng mga molekulang protina na mga ito ang isang umaangkop na tugon sa inmune na tinuturuan ang katawan na matukoy at wasakin ang katumbas na patoheno/mikroorganismo o mga selula ng kanser. Dinadala ang mRNA sa pamamagitan ng kapwa-pormulasyon ng RNA na isinakapsula sa mga lipidong nanopartikula na prinoprotekta ang mga hibla ng RNA at kanilang absorpsyon patungo sa loob ng mga selula.
May-akda ng larawan: SCNAT (Swiss Academy of Sciences o Swisong Akademya ng mga Agham)
Hindi bababa sa 25 katao ang namatay mula sa pagbaha at pagguho ng lupang dulot ng Bagyong Agaton (internasyunal na pangalan: Megi) sa Pilipinas. Samantala, anim na pamilya ang pinangagambahang natabunan ng pagguho ng lupa sa Baybay, Leyte (nakalarawan ang lokasyon) dulot ng bagyo.
Muling ibinalik ng Philadelphia ang kanilang mandato ng pagsusuot ng face mask sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod, ang kauna-unahan sa Estados Unidos na gumawa nito. Magiging epektibo ang mandato sa Abril 18.
Nagkapagtala ang Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas ng 1,906 bagong kaso ng COVID-19 at 428 namatay para sa linggong Abril 4 hanggang 10, kung saan 272 sa mga ito ang katamtaman ― mas mababa nang 29% kumpara sa nakaraang linggo.
Binpto ng natatanging sesyon ng Pangkalahatang Pagpupulong ng mga Nagkakaisang Bansa pabor sa pagsuspinde sa Rusya mula sa Konseho ng Karapatang Pantao sa botong 93 boto kontra sa 24 na hindi pumabor at 58 ang hindi bumoto. Ikalawang bansa ang Rusya na nasuspinde mula sa konseho, pagkatapos ng Libya noong 2011 sa panahon ng huling taon ng pamumuno ni Muammar Gaddafi.
... na para kay Mao Zedong, "ang mamatay para sa bayan ay mas matimbang kaysa Bundok Tai, ngunit ang magtrabaho para sa mga pasista at mamatay para sa mga mapagsamantala at mapang-api ay higit na magaan kaysa isang balahibo"?
... na ang Foiano della Chiana (nakalarawan) ay nagkaroon ng mga pader na hugis-puso noong 1480 matapos itong mapasailalim sa kapangyarihan ng Florencia?
Kapihan – Puntahan ng pamayanan ng mga patnugot upang talakayin ang mga pangkalahatang paksa o tanong tungkol sa mga alalahanin sa at iba pang aspeto ng Tagalog na Wikipedia.
Napiling Artikulo – Pahinang lapagan para sa mga tinampok na artikulo sa Tagalog na Wikipedia.
Nakasulat ang Wikipedia na ito sa Tagalog, isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Mayroon din ibang Wikipedia na nakasulat sa ibang wika na mula sa Pilipinas na nakatala sa sumusunod.