Gitnang Europa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Mga estado sa Gitnang Europa at mga lupaing makasaysayan na pana-panahong may kaugnayan sa rehiyon.

Ang Gitnang Europa (Ingles, Central Europe o kaya Middle Europe) ay isang rehiyon sa kontinente ng Europa na nakahimlay sa pagitan ng may pagkakasamu't saring tiniyak na mga pook ng Silangan at Kanlurang Europa. Ang katawagan at malawakang pagbibigay ng pansin sa rehiyon mismo ay nanumbalik[1] pagsapit ng wakas ng Digmaang Malamig, na pampolitikang naghati sa Europa sa Silangan at Kanluran, na naghati ng Gitnang Europa sa dalawa.[2][3]

Ang diwa ng Gitnang Europa, at ng isang karaniwang pagkakakilanlan, ay tila mailap.[4][5][6] Subalit, pinagdirinan ng mga dalubhasa na maaaring umiiral ang namumukod-tanging kultura ng Gitnang Europa, bagaman kontrobersiyal at pinagtatalunan ang kawariang ito.[7][8] Ibinatay ito sa mga pagkakahalintulad na nagbubuhat mula sa mga katangiang pangkasaysayan, panlipunan, at pangkultura,[7][9] at kinikilala ito bilang isa sa dating naging pinakamayamang napagkukunan ng malikhaing talento sa pagitan ng ika-17 at ika-20 mga daantaon.[10] Binigyang katangian ng Cross Currents: A Yearbook of Central European Culture (maisasalin na "Salungatang-Daloy: Isang Taunang Aklat ng Kultura ng Gitnang Europa") ang Gitnang Europa bilang isang iniwan at pinabayaang Kanluran o isang lugar kung saan nagbabanggaan ang Silangan at Kanluran.[11] Binigyang kahulugan ng Constant Committee for Geographical Names ng Alemanya ang Gitnang Europa kapwa bilang isang namumukod-tanging pook ng kalinangan at isang rehiyong pampolitika.[12][13] Ipinagmamatuwid ni George Schöpflin at ng mga iba pa na ang Gitnang Europa ay binibigyang kahulugan bilang isang bahagi ng Kanluraning Kristiyanismo,[14] habang matatag namang inilagay ni Samuel P. Huntington ang rehiyon sa loob ng kulturang Kanluranin.[15]

Mula sa dekada 2000 at pasulong pa, ang Gitnang Europa ay dumaraan sa isang yugto ng "paggising na may estratehiya",[16] na may pag-agap o inisyatibong katulad ng CEI, Centrope o V4. Habang ang ekonomiya ay nagpapakita ng mga kaibahan hinggil sa kinikita,[17] ang lahat ng mga bansa sa Gitnang Europa ay tinatala ng Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao bilang mga bansang may may napakataas na kaunlaran.[18]

Mga bansa[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang pinagmulan ng tuluyang kontrobersiya ang pag-unawa sa konsepto ng "Gitnang Europa",[19] ngunit kinikilala nang de facto ang mga bansa ng Pangkat Visegrád bilang bahagi ng rehiyon.[20] Gayunpaman, karaniwa'y kinikilala ang Gitnang Europa bilang rehiyong binubuo ng sumusunod na bansa:

Kasama rin sa kahulugan ng "Gitnang Europa" ang ilang teritoryong sakop ng sumusunod na bansa:

Sa tradisyong Aleman, kasama rin ang mga estadong napapaligiran ng Dagat Baltiko (ang Estonya, Latbiya at Litwaniya) sa kahulugan ng "Gitnang Europa", kahit kung mas angkop ang kanilang lokasyong heograpikal sa kahulugan ng Hilagang Europa. Kasama na rin sa tradisyong ito ang mga teritoryong sakop ng sumusunod na bansa:

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Central Europe — The future of the Visegrad group". The Economist. 2005-04-14. kinuha 2009-03-07.
  2. "Regions, Regionalism, Eastern Europe by Steven Cassedy". New Dictionary of the History of Ideas, Charles Scribner's Sons. 2005. kinuha 2010-01-31.
  3. Lecture 14: The Origins of the Cold War. Historyguide.org. Nakuha noong 2011-10-29.
  4. Agh 1998, pp. 2–8
  5. "Central European Identity in Politics — Jiří Pehe" (sa Tseko). Conference on Central European Identity, Central European Foundation, Bratislava. 2002. kinuha 2010-01-31.
  6. "Europe of Cultures: Cultural Identity of Central Europe". Europe House Zagreb, Culturelink Network/IRMO. 1996-11-24. kinuha 2010-01-31.
  7. 7.0 7.1 Comparative Central European culture. Purdue University Press. 2002. ISBN 9781557532404. kinuha 2010-01-31.
  8. "An Introduction to Central Europe: History, Culture, and Politics – Preparatory Course for Study Abroad Undergraduate Students at CEU" (PDF). Central European University. Budapest. Fall 2006. Inarkibo mula ang orihinal (PDF) hanggang 2010-06-17. kinuha 2012-01-06.
  9. Ben Koschalka – content, Monika Lasota – design and coding. "To Be (or Not To Be) Central European: 20th Century Central and Eastern European Literature". Centre for European Studies of the Jagiellonian University. Inarkibo mula ang orihinal hanggang 2001-03-03. kinuha 2010-01-31.
  10. "Ten Untaught Lessons about Central Europe-Charles Ingrao". HABSBURG Occasional Papers, No. 1. 1996. kinuha 2010-01-31.
  11. "Introduction to the electronic version of Cross Currents". Scholarly Publishing Office of the University of Michigan Library. kinuha 2010-01-31.
  12. "StAGN-Empfehlung zur Großgliederung Europas". StAGN.de. kinuha 2011-01-31.
  13. "A Subdivision of Europe into Larger Regions by Cultural Criteria". kinuha 2011-01-15.
  14. History of the literary cultures of East-Central Europe: junctures and disjunctures in the 19th and 20th centuries, Volume 2 [1]
  15. When identity becomes an alibi (Institut Ramon Llull) [www.llull.cat/rec_transfer/webt1/transfer01_essa05.pdf]
  16. "The Mice that Roared: Central Europe Is Reshaping Global Politics". Spiegel.de. 26 Pebrero 2006. kinuha 2010-01-31.
  17. "Which regions are covered?". European Regional Development Fund. Inarkibo mula ang orihinal hanggang 2010-04-03. kinuha 2010-01-31.
  18. 2010 Human Development Index. (PDF). Nakuha noong 2011-10-29.
  19. "For the Record – The Washington Post – HighBeam Research". Highbeam.com. 1990-05-03. kinuha 2010-01-31.[patay na link]
  20. "From Visegrad to Mitteleuropa". The Economist. 14 Abril 2005.