Asya
Ang artikulo o seksiyong ito ay kailangang isapanahon. Ilang bahagi rin ng artikulo o seksiyon ay hindi na nasasapanahon. Pakiragdag ang mga pamanahong pagkukulang upang maayos ang artikulo, at pakitanggal ang suleras na ito kapag tapos na ang pagsasapanahon. |
Ang Asya ay ang isa sa mga kontinente ng mundo. Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at lawak, sakop nito ang halos 30% ng kabuuang lupa at 8.7% ng mundo. May sukat ng 44,579,000 square kilometers (17,212,000 sq mi). Ito ay may populasyon ng halos 4.5 bilyon o 60% ng kabuuang populasyon ng buong mundo. Sa kanluran ng Asya matatagpuan ang kontinente ng Europa; sa timog-silangan at silangan ang Awstralya at Osyanya; sa timog-kanluran naman ay ang Aprika.
Heograpiya
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. May sukat itong 49,694,700 milya kuwadrado (mi2). Ito ay nahihiwalay sa Europa sa pamamagitan ng isang makinaryang libu-libong linya ang dumadaan buhat sa bulubundukin ng Ural patungong Dagat Caspian, Bulubundukin ng Kaukasya at sa Dagat Itim. Ang hangganang naghahati sa Aprika at Asya ay ang Suez Canal at ang hangganan sa pagitan ng Hilagang Amerika At Asya ay ang Bering Strait. Sa hilaga ng Asya ay ang Karagatang Artiko at sa timog nito, ang Karagatang Indian. Ang Karagatang Pasipiko ang nasa silangan ng Asya at sa kanluran nito matatagpuan ang Bundok Ural, Dagat Caspian, Dagat Itim at Dagat Egeo.
Ang kontinenteng ito ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang kabihasnang Tsina, India, Mesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay-ang Israel at arabo. Sa Asya rin matatagpuan ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang pinakamalaking dagat sa mundo), Karagatang Pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng caspian,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating sa bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika.
Mga teritoryo ng mga Bansa sa Asya at rehiyon
Pangalang ng rehiyon at teritoryo, kasama ang watawat [6] |
Lawak (km²) |
Populasyon (Taya ng Hunyo 1, 2008) |
Kapal ng Populasyon (bawat km²) |
Kabisera |
---|---|---|---|---|
Gitnang Asya: | ||||
Kazakhstan[7] | 2,346,927 | 15,666,533 | 5.7 | Nur-Sultan |
Kyrgyzstan | 198,500 | 5,356,869 | 24.3 | Bishkek |
Tayikistan | 143,100 | 7,211,884 | 47.0 | Dushanbe |
Turkmenistan | 488,100 | 5,179,573 | 9.6 | Ashgabat |
Uzbekistan | 447,400 | 28,268,441 | 57.1 | Tashkent |
Silangang Asya: | ||||
Hapon | 377,835 | 127,288,628 | 336.1 | Tokyo |
Taiwan[8] | 35,980 | 22,920,946 | 626.7 | Taipei |
Mongolia | 1,565,000 | 2,996,082 | 1.7 | Ulaanbaatar |
Tsina[9] | 9,584,492 | 1,322,044,605 | 134.0 | Beijing |
Hong Kong (Tsina)[10] | 1,092 | 7,903,334 | 6,688.0 | — |
Macau (Tsina)[11] | 25 | 460,823 | 18,473.3 | — |
Hilagang Korea | 120,540 | 23,479,095 | 184.4 | Pyongyang |
Timog Korea | 98,480 | 49,232,844 | 490.7 | Seoul |
Hilagang Asya: | ||||
Rusya[12] | 13,115,200 | 140,702,092 | 3.0 | Moscow |
Timog-silangang Asya:[13] | ||||
Brunay | 5,770 | 381,371 | 60.8 | Bandar Seri Begawan |
Cambodia | 181,040 | 14,241,640 | 70.6 | Phnom Penh |
Silangang Timor[14] | 15,007 | 1,108,777 | 63.5 | Dili |
Indonesya[15] | 1,419,588 | 237,512,355 | 159.9 | Jakarta |
Laos | 236,800 | 6,677,534 | 24.4 | Vientiane |
Malaysiya | 329,750 | 25,274,135 | 68.7 | Kuala Lumpur |
Myanmar | 678,500 | 47,758,224 | 62.3 | Naypyidaw[16] |
Pilipinas | 300,000 | 92,681,453 | 281.8 | Maynila |
Singapore | 704 | 4,608,167 | 6,369.0 | Singapore |
Thailand | 514,000 | 65,493,298 | 121.3 | Bangkok |
Vietnam | 331,690 | 86,116,559 | 246.1 | Hanoi |
Timog Asya: | ||||
Bangladesh | 144,000 | 153,546,901 | 926.2 | Dhaka |
Bhutan | 47,000 | 682,321 | 14.3 | Thimphu |
India[17] | 3,167,590 | 1,147,995,226 | 318.2 | New Delhi |
Maldives | 300 | 379,174 | 1,067.2 | Malé |
Nepal | 140,800 | 29,519,114 | 183.8 | Kathmandu |
Pakistan | 803,940 | 167,762,049 | 183.7 | Islamabad |
Sri Lanka | 65,610 | 19,576,783 | 298.4 | Colombo |
Timog-kanlurang Asya: | ||||
Afghanistan | 647,500 | 32,738,775 | 42.9 | Kabul |
Armenia[18] | 29,800 | 2,968,586 | 111.7 | Yerevan |
Azerbaijan[19] | 46,870 | 3,845,127 | 82.0 | Baku |
Bahrain | 665 | 718,306 | 987.1 | Manama |
Cyprus[20] | 9,250 | 792,604 | 83.9 | Nicosia |
Gaza[21] | 363 | 1,537,269 | 3,315.7 | Gaza |
Georgia[22] | 20,460 | 4,630,841 | 99.3 | Tbilisi |
Iran | 1,648,195 | 65,875,223 | 42 | Tehran |
Iraq | 437,072 | 28,221,181 | 54.9 | Baghdad |
Israel | 20,770 | 7,112,359 | 290.3 | Jerusalem[23] |
Jordan | 92,300 | 6,198,677 | 57.5 | Amman |
Kuwait | 17,820 | 2,596,561 | 118.5 | Kuwait City |
Lebanon | 10,452 | 3,971,941 | 353.6 | Beirut |
Oman | 212,460 | 3,311,640 | 12.8 | Muscat |
Qatar | 11,437 | 928,635 | 69.4 | Doha |
Saudi Arabia | 1,960,582 | 23,513,330 | 12.0 | Riyadh |
Syria | 185,180 | 19,747,586 | 92.6 | Damascus |
Turkey[24] | 756,768 | 71,892,807 | 76.5 | Ankara |
United Arab Emirates | 82,880 | 4,621,399 | 29.5 | Abu Dhabi |
West Bank[25] | 5,860 | 2,611,904 | 393.1 | — |
Yemen | 527,970 | 23,013,376 | 35.4 | Sanaá |
Kabuuan | 43,810,582 | 4,050,404,193 | 89.07 |
Mga Bansang Nagbago ng Pangalan
Maraming bansang Asyano ang nagpalit ng pangalan dahil sa pagbabago ng pamahalaan, pagbago ng pinuno o kalayaan mula sa ibang bansa.
Dating Pangalan | Taon | Kasalukuyang Pangalan |
---|---|---|
Dominyon ng India, dating Briton na Indya | 1950 | Republika ng India |
East Bengal province | 1905-1911 and 1947-1955 1955-1971 1971 |
East Pakistan state Bangladesh, People's Republic of |
Democratic Kampuchea | 1975 | Cambodia, Kaharian ng |
Dinastiyang Qing | 1912 1949 |
China, Republic of China, People's Republic of |
Portuguese Timor | 1975 2002 |
Timor Timur (province of Indonesia) East Timor, Democratic Republic of |
Dutch East Indies | 1949 | Indonesia, Republika ng |
Persia | 1935 1979 |
Iran, Iran, Islamikong Republika ng |
Transjordan | 1946 | Jordan, Kaharian ng |
Kirghiz SSR (USSR) | 1991 | Kyrgyzstan, Republika |
Malaya, North Borneo, Sarawak and Singapore | 1963 1965 |
Malaysia (including Singapore) Malaysia and Singapore |
Burma | 1989 | Myanmar, Unyon ng |
Muscat | 1971 | Oman, Sultanate ng |
Dominion of Pakistan | 1947-1956 1956-1970 1971 |
West Pakistan, Islamic State of Pakistan, Islamikong Republika ng |
Islas de San Lorenzo, Spanish East Indies, Philippine Islands, Las Islas Filipinas | 1965 | Pilipinas, Republika ng |
Hejaz-Nejd, The Kingdom of | 1932 | Saudi Arabia, Kaharian ng |
Aden | 1970 | South Yemen, People's Republic of |
Ceylon | 1972 | Sri Lanka, Democratic Socialist Republic of |
Tajik SSR (USSR) | 1991 | Tajikistan, Republika ng |
Siam | 1939 | Thailand, Kaharian ng |
Imperyong Ottoman | 1923 | Turkey, Republika ng |
urkmen SSR (USSR) | 1991 | Turkmenistan |
Trucial Oman & Trucial States | 1971 | United Arab Emirates |
French Indo-China | 1949 | Cambodia, Laos and Vietnam |
Yemen, People's Democratic & Southern Yemen | 1990 | Yemen, Republika ng |
Mga Relihiyon
Ang Asya ay kung saan nagmula ang Budismo, Hinduismo at iba pang Indiyanong at Tsinong relihiyon. Ito rin kung saan nagsimula ang relihiyong Hudaismo, Kristyanismo, Islam at iba't ibang Abramikong paniniwala.
Kasaysayan
Ang kasaysayan ng Asya ay makikita bilang kolektibong kasaysayan ng ilang mga natatanging mga paligid pandalampasigan mga rehiyon tulad ng Silangang Asya, Timog Asya, at ang Gitnang Silangan Naka-ugnay ito sa pamamagitan ng panloob na tumpok ng mga taong hating Asyano at Europeo sa kapatagan.
Ang dalampasigan ay ang tahanan sa ilan sa mga maagang sibilisasyon sa daigdig. Ang bawat isa sa tatlong rehiyon ay bumubuo ng mga sibilisasyon sa paligid ng mga lambak at ilog. Sagana ang mga lambak dahil ang lupa ay may mayamang lupa at maaaring tamnan ng maraming halamang-ugat. Ang mga sibilisasyon sa Mesopotamya, sa Lambak ng Indus, at sa Tsina ay nagbahagi ng maraming mga pagkakatulad at palaging nagpapalitan ng teknolohiya at mga ideya tulad ng matematika at ang mga gulong. Iba pang mga paniniwala tulad ng pagsulat ay maaaring binuo paisa-isa sa bawat lugar. Nabuo ang mga lungsod, estado, at imperyo sa mga mabababang lugar.
Ang mga patag ng rehiyon ay matagal na pinaninirahan ng mga pagala-gala, at mula sa central steppes ay maaaring sila umabot sa lahat ng mga lugar ng Asya. Ang hilagang bahagi ng kontinente, na sinasakop ng Siberia ay hindi rin mararating ng mga pagala-gala sa kapatagan dahil sa mga makakapal na kagubatan at tundra. Ang mga lugar sa Siberia ay bihira panirahan ng tao.
Ang mga sentro at paligid ay inihiwalay ng mga bundok at disyerto. Ang Kaukasya, Himalayas, Disyerto ng Karakum, at Disyerto ng Gobi ay bumuo ng mga hadlang para mahirapang makatawid ang mga mangangabayo sa kapatagan. Habang sa larangan ng teknolohiya at kultura, ang mga naninirahan sa lungsod ay mas masulong na, kaunti lamang ang magagawa nila na protektahan ang sarili nila laban sa mga pagala-gala. Gayunman, ang mga mabababang lugar ay hindi magkakaroon ng sapat na bukas na damuhan upang suportahan ang isang malaking pwersa ng mga nakakabayo. Kaya ang pagala-gala na sumakop sa Tsina, India, at Gitnang Silangan ay napilitang umangkop sa lokal na lipunan.
9000 BC–4500 BC
Isang templo sa lugar ng dakong timog-silangang Turkiya sa Göbekli Tepe na napetsahan noong 10000 BC ay nakikita bilang ang simula ng kulturang "Neolitiko 1". Ang lunang ito ay binuo ng nga pagala-galang mangangaso-maniningil dahil walang permanenteng pabahay sa paligid. Itong lunan ng templo ay ang pinakalumang kilalang ginawa ng tao bilang sambahan. Noong 8500 BC hanggang 8000 BC, ang mga sakahan ay nagsimulang lumaganap sa Anatolia, Hilagang Aprika at Hilagang Mesopotamia.
Ang sinaunang-panahong lugar ng Beifudi malapit sa Yixian sa Hebei, Tsina, ay naglalaman ng mga reliko ng isang kultura na may kasabay na ang Cishan at Xinglongwa kultura noong 7000 hanggang 8000 BC, ang mga Neolitikong kultura sa silangan ng Taihang Mountains, ay bumuo ng mga arkeolohikong puwang sa pagitan ng dalawang Hilagang kulturang Intsik. Ang kabuuang lugar na nahukay ay higit sa 1,200 metro kuwadrado at ang mga koleksyong Neolitiko ay natuklasan sa lugar na binubuo ng dalawang uri.[26]
Noong 5500 BC ang kulturang Halafian ay nagpakita sa Levant, Libano, Palestina, Sirya, Anatolia at hilagang Mesopotamia, batay sa agrikultura sa tuyong lupa.
Sa timog Mesopotamya ay ang mga inaanod na kapatagan ng Sumer at Elam. Dahil diyan ang maliliit na patak ng ulan sa sistema ng patubig ay kinakailangan. Ang kulturang Ubaid ay lumaganap noong 5500 BC.
Panahon ng Bronse
Ang Panahong Calcolitico (Chalcolithic) ay nagsimula noong 4500 BC. Pagkatapos, nagsimula ang Panahon ng Tansong Pula noong 3500 BC, at pinalitan ang mga kulturang Neolitiko. Ang Tsina at Vietnam ay sentro rin ng paggawaang-metal. Noon pa mang Panahong Neolitiko, ang unang mga bronseng dram, na tinatawag na Dong Son Drums ay nahukay sa paligid ng rehiyon ng Red River Delta sa Biyetnam at Timog Tsina. Iniuugnay ito sa sinaunang-panahong kulturang Dong Son ng Biyetnam.
Sa Ban Chiang, Thailand (Timog-silangang Asya), ang mga artipaktong tanso ay natuklasan noong 2100 BC.
Sa Nyaunggan, Burma, ang mga kagamitang tanso ay nahukay kasama ng mga artepaktong seramika at bato. Ang pagpepetsa ay kasalukuyang malawak pa rin (3500-500 BC).
Panahon ng Bakal
Ang dinastiyang Achaemenid ng Imperyong Persa, na itinatag ni Haring Cirong Dakila (Cyrus), ay naghari sa Gresya at Turkiya sa Ilog Indus at Gitnang Asya noong ikaanim hanggang ikaapat na siglo BC. Sinakop ito ni Alejandrong Dakila (Alexander) noong ikaapat na siglo BC. Ang Imperyong Romano ay mamamahala sa bahagi ng Kanlurang Asya. Ang mga dinastiyang Seleucido (Seleucid), Partia at Sasanida ng Persiya ay namayani sa Kanlurang Asya sa maraming siglo. Maraming mga sinaunang sibilisasyon ay naaapektuhan sa pamamagitan ng Daang Seda, na iniuugnay ang Tsina, Indya, Gitnang Silangan, at Europa. Ang relihiyon ng Hinduismo at Budismo, na nagsimula sa Indya, ay isang mahalagang impluwensiya sa Timog, Silangan, at Timog-Silangang Asya.
Gitnang Panahon
Ang mga Kalipang Islamiko at iba pang estadong Muslim ay kinuha ang Gitnang Silangan, Kaukasya at Gitnang Asya sa panahon ng pananakop ng Muslim noong ikapitong siglo, at pinalawak na sa subkontinenteng Indiyano at kapuluan ng Malay. Ang Imperyong Monggol ay sumakop sa isang malaking bahagi ng Asya noong ikalabintatlong siglo, at pinalawak mula sa Tsina hanggang sa Europa.
Hindi si Marco Polo ang unang taga-kanluran na naglakbay sa Silangan at bumalik na may kamangha-manghang mga kuwento ng mga iba't-ibang kultura nito, ngunit ang kanyang mga ulat na inilathala sa huling bahagi ng ika-13 at unang bahagi ng ika-14 siglo ay ang kauna-unahang malawak na babasahin sa buong Europa.
Dinaig ng Medyebal Asya ang Kanluran sa pagbuo ng digma, komunikasyon at agham. Ang pulbura ay malawak na ginamit mula pa noong ika-11 siglo at sila ay gumagamit ng naigagalaw na uri ng paglilimbag limang daang taon bago ginawa ni Gutenberg ang kanyang palimbagan. Ang Budismo, Taoismo, at Confucianismo ay ang nangingibabaw na mga pilosopiya ng Malayong Silangan sa panahon ng Gitnang Panahon.
Ang Medyebal Asya ay ang kaharian ng mga Khan. Si Genghis Khan ay kumontrol sa maraming lupain. Nabuo niya ang kanyang kapangyarihan sa pagsasanib ng mga hiwalay na mga tribung Monggol bago palawakin ang kanyang kaharian sa timog at kanluran. Siya at ang kanyang apong lalaki, si Kublai Khan, ay kinokontrol ang mga lupain sa China, Burma, Gitnang Asya, Rusya, Iran, Gitnang Silangan, at Silangang Europa. Mga pagtaya na ang sandatahang Monggol ay bumawas ang populasyon ng China sa pamamagitan ng halos isang katlo. Pagano si Genghis Khan. Ang kanilang kultura madalas nagdusa sa napakarahas na paggamot mula sa sandatahang Monggol. Ang sandatahang Khan ay humunhon bilang malayong kanluran bilang Jerusalem bago bumagsak noong 1260.
Ang Panahong Gitna ay isang hindi maunahang panahon para sa mga Intsik sa seramika at pagpipinta. Ang mga obra maestrang arkitekturang medyebal tulad ng Angkor Wat sa Cambodia, ang Great South Gate sa Todaiji, Hapon, at ang Tien-Ning Templo sa Peyping, Tsina ang ilan sa mga tulong ng ibang konstruksyon mula sa panahon na ito.
Ang Kamatayang Itim, kung saan ay wawasak sa Kanlurang Europa ay nagsimula sa Asya, kung saan ito umubos malaking populasyon sa Tsina noong 1331. Ang Tsina ay lumaganap muli noong huling mga taon ng medyebal panahon sa panahon ng pagsikat ng Dinastiyang Ming. Sa bansang Hapon ang mga ito ay nakita noong Gitnang Panahon ang isang pagbabalik sa tradisyunal na pananampalatayang Shinto at ang patuloy na pagiging popular ng Budismong Zen.
Modernong panahon (1500-kasalukuyan)
Ang Imperyong Ruso ay nagsimulang lumawak sa Asya noong ika-17 siglo, at kokontrol ng Siberya at karamihan ng Gitnang Asya sa ika-19 siglo. Ang Imperyong Ottoman ay kinokontrol ang Turkiya at ang Gitnang Silangan mula ika-16 na siglo pataas. Noong ika-17 siglo, ang Manchu ay sinakop ang Tsina at itinatag ang Dinastiyang Qing, bagaman ito ay sa tanggihan sa ika-19 siglo at ibinagsak noong 1912.
Ang kapangyarihang Europeo ay kumontrol ng iba pang bahagi ng Asya noong 1900s, tulad ng Indyang Ingles, Indotsinang Pranses at Macau at Goa ng Portuges. Ang Great Game sa pagitan ng Rusya at Britanya ay ang mga pakikibaka para sa kapangyarihan sa rehiyon ng Sentral Asya noong ika-19 siglo. Ang Trans-Siberian Railway, na tumatawid sa Asya sa pamamagitan ng tren, ay kumpleto na noong 1916. Ang ga bahagi ng Asya ay nanatiling nalaya mula sa kontrol ng Europa, bagaman hindi umimpluwensiya, tulad ng Persiya, Thailand at karamihan ng Tsina. Sa ika-20 siglo, ang Imperyo ng Hapon ay pinalawak na sa Tsina at Timog-silangang Asya sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ng digmaan, maraming mga bansanng Asyano ay naging malaya mula sa kapangyarihang Europeo. Sa panahon ng Digmaang Malamig, sa hilagang bahagi ng Asya ay komunista na kinokontrol ang Unyong Sobyet at People's Republic of China, habang ang kanluraning alyado ay nakabuo ng mga samahan tulad ng CENTO at SEATO. Ang mga away tulad ng Digmaang Korea, Digmaang Vietnam at pagsakop ng USSR sa Apganistan ay away sa pagitan ng mga komunista at di-komunista. Isang dekada matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isang napakalaking planong pagbuhay muli ay nagdala sa Hapon bilang pangalawang-pinakamalaking ekonomiya sa mundo, isang palatandaan na kilala bilang pang-ekonomiyang himala matapos ang digmaan sa Hapon. Ang tunggaliang Arabe-Israelita ay may dominadong tala sa pangkasalukuyang kasaysayan ng Gitnang Silangan. Pagkatapos ang pagbagsak ng Unyong Sobyet noong 1991, maraming mga bagong malayang bansa ang naitatag sa Gitnang Asya. Naimbento ang tren noong ika-19 na siglo.
Tingnan din
Talababa
- ↑ National Geographic Family Reference Atlas of the World. Washington, DC: National Geographic Society (U.S.). 2006. pa. 264.
- ↑ "World Population Prospects: The 2017 Revision". ESA.UN.org (custom data acquired via website). United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. Nakuha noong 10 September 2017.
- ↑ "GDP PPP, current prices". International Monetary Fund. 2021. Nakuha noong 16 January 2021.
- ↑ "GDP Nominal, current prices". International Monetary Fund. 2021. Nakuha noong 16 January 2021.
- ↑ "Nominal GDP per capita". International Monetary Fund. 2021. Nakuha noong 16 January 2021.
- ↑ Rehiyong kontinental ayon sa pag-uuri ng UN (mapa), hindi kabilang ang 12. Depende sa depinisyon, ang ibang teritoryo sa ibaba (notes 6, 11-13, 15, 17-19, 21-23) ay maaring en:sa Asya at isa sa mga sumusunod: Europa, Aprika, o Oceania.
- ↑ Minsan ay itinuturing na bansang transkontinental ang Kazakhstan sa Gitnang Asya at Silangang Europa; ang pigura ng populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang.
- ↑ Ang pigura ay para sa pook sa ilalim ng de facto kontrolado ng pamahalaang Republika ng Tsina (ROC). Inaanking buo ng PRC; tingnan ang estadong pampolitika ng Taiwan.
- ↑ Ang kasalukuyang estado ay pormal na kilala bilang People's Republic of China (PRC). Ang mga pigura ay para lamang sa Kalupaang Tsina at hindi kasama ang Hong Kong, Macau, at Taiwan.
- ↑ Ang Hong Kong ay isang Special Administrative Region (SAR) ng PRC.
- ↑ Ang Macau ay isang Special Administrative Region (SAR) ng PRC.
- ↑ Malawakang itinuturing ang Russia na isang bansang transkontinental sa Silangang Europa (UN region) at Hilagang Asya; ang pigura ng populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang.
- ↑ Hindi kabilang ang Pulo ng Christmas at Cocos (Keeling) Islands (panlabas na teritoryo ng Australia na nasa Karagatang Indian sa timog-kanluran ng Indonesia).
- ↑ Ang East Timor ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Timog-silangang Asya at Oceania.
- ↑ Ang Indonesia ay itinuturing na bansang transkontinental sa Timog-silangang Asya at Oceania; hindi kasama sa pigura ang Irian Jaya at Kapuluang Maluku, na karaniwang itinuturing na nasa Oceania (Melanesya/Australasya).
- ↑ Ang kabeserang administratibo ng Myanmar ay opisyal na inilipat mula Yangon sa isang militarised greenfield na nasa kanluran ng Pyinmana noong Nobyembre 6, 2005.
- ↑ Kasama ang Jammu at Kashmir, isang pinagtatalunang teritoryo ng India, Pakistan, at ng PRC.
- ↑ Ang Armenia ay minsang itinuturing na isang bansang transkontinental: pisikal na matatagpuan ito sa Kanlurang Asya, ngunit mayroon itong historikal at sosyopolitikal na koneksyon ito sa Europa.
- ↑ Ang Azerbaijan ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Kanlurang Asya at Silangang Europa; ang pigura sa populasyon at lawak ay para sa bahaging ansa Asya lamang. Kasma sa pigura ang Nakhchivan, isang nagsasariling exclave ng Azerbaijan na pinalilibutan ng Armenia, Iran, at Turkey.
- ↑ Ang pulo ng Cyprus ay minsang itinuturing na isang teritoryong transkontinental: sa Eastern Basin ng Dagat Mediterranean timog ng Turkey, ito ay may historikal at sosyopolitikal na koneksyon sa Europa. Ang Republikang Turko ng Hilagang Tsipre (TRNC), na iba sa de jure na Republic of Cyprus sa timog, ay kinilala lamang ng Turkey.
- ↑ Ang Gaza at West Bank, na tinatawag na "Occupied Palestinian Territory" ng UN, ay mga teritoryo na bahagyang sakop ng Israel ngunit nasa de facto na sa ilalim ng administrasyon ng Palestinian National Authority.
- ↑ Ang Georgia ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Kanlurang Asya at Silangang Europa; ang pigura sa populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang.
- ↑ Noong 1980, ang Herusalem ay ipinahayag na pinagsanib na kabesera ng Israel, pagkaraan ng annexation ng East Jerusalem sa panahon ng 1967 Six-Day War. Hindi ito kinikilala ng United Nations at maraming bansa, kaya maraming bansa ang nagtatayo ng embahada sa Tel Aviv na lamang.
- ↑ Ang Turkey ay pangkahalatang itinuturing an isang bansang transkontinental sa Kanlurang Asya at Timog Europa; ang pigura sa populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang, at hindi kasama ang buong Lalawigan ng Istanbul.
- ↑ Ang West Bank at Gaza, tinatawag na "Occupied Palestinian Territory" ng UN, ay teritoryong sakop ng Israel ngunit nasa de facto na administrasyon ng Palestinian National Authority.
- ↑ "New Archaeological Discoveries and Researches in 2004 — The Fourth Archaeology Forum of CASS". Institute of Archaeology — Chinese Academy of Social Sciences. Tinago mula sa orihinal noong 2011-05-12. Nakuha noong 2007-09-18.