Ano ang Messenger connection?

Ang koneksyon sa Messenger ay isang taong nakausap mo sa Messenger app, sa messenger.com o mga message sa Facebook mula sa iyong computer.
Kasama sa ilang uri ng komunikasyon ang:
Kapag nag-reply ka sa isang message request mula sa isang tao, magiging koneksyon sila sa Messenger. Alamin kung paano tingnan ang iyong mga message request o paano i-block ang mga message at message request sa Messenger. Ang mga message mula sa mga kaibigan sa Facebook ay dumidiretso sa iyong listahan ng Chat o inbox sa Messenger.
Ang mga koneksyon sa Messenger ay pwedeng:
  • Makipag-chat sa iyo sa Messenger o Facebook Chat.
  • Makipag-voice call o video call sa iyo sa Messenger.
  • Sumali sa room na kinabibilangan mo sa Messenger Rooms.
  • Tingnan ang iyong story sa Facebook, kung papayagan mo ang mga ito sa mga setting ng iyong story.
Nakatulong ba ito?
Oo
Hindi