Robin Williams

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Robin Williams
Robin Williams 2011a (2).jpg
Kapanganakan
Robin McLaurin Williams

21 Hulyo 1951
  • (Cook County, Illinois, Estados Unidos ng Amerika)
Namatay11 Agosto 2014
Inilibing saDalampasigan ng San Francisco
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
NagtaposJuilliard School, Claremont McKenna College, Detroit Country Day School, Redwood High School, College of Marin
Trabahostand-up comedian, artista sa telebisyon, artista sa pelikula, artista, komedyante, prodyuser ng pelikula, screenwriter, audio book narrator, artista sa teatro, tagapagboses, mime artist
AsawaValerie Velardi (Hunyo 1978–1988), Marsha Garces (30 Abril 1989–2010), Susan Schneider (22 Oktubre 2011–11 Agosto 2014)
AnakZachary Williams, Zelda Williams, Cody Williams
Magulang
  • Robert Williams
  • Laura McLaurin
PamilyaRobert Williams

Robin McLaurin Williams (Hulyo 21, 1951 – Agosto 11, 2014) ay isang komedyante, aktor, prodyuser ng pelikula, at tagasulat ng senaryo na mula sa Estados Unidos.

Nakilala sa pagganap bilang ang Mork sa seryeng pantelebisyon na Mork & Mindy (1978–82), naitatag ni Williams ang isang matagumpay na karera sa parehong komedyante sa entablado (stand-up comedian) at pag-arte sa pelikula. Kabilang sa mga ito ang mga pinagbubunying pelikula na The World According to Garp (1982), Good Morning, Vietnam (1987), Dead Poets Society (1989), Awakenings (1990), The Fisher King (1991), at Good Will Hunting (1997), gayun din ang mga pelikulang tumabo sa takilya katulad ng Popeye (1980), Hook (1991), Aladdin (1992), Mrs. Doubtfire (1993), Jumanji (1995), The Birdcage (1996), Night at the Museum (2006), and Happy Feet (2006). Lumabas din siya sa bidyo ng awiting "Don't Worry, Be Happy" ni Bobby McFerrin.

Nanomina siya ng tatlong beses sa Academy Award para Pinakamagaling na Aktor, natanggap ni Williams ang Academy Award para sa Pinakamagaling na Pang-suportang Aktor para kanyang pagganap sa Good Will Hunting. Nakatanggap din siya ng dalawang Emmy Award, apat na Golden Globe Award, dalawang Screen Actors Guild Award at limang Grammy Award.[1][2]

Noong Agosto 11, 2014, natagpuan si Williams na di tumutugon sa kanyang tahanan sa Paradise Cay, California at idineklarang namatay sa tagpong iyon. Sang-ayon sa Tanggapan ng Sheriff ng Marin County, nagbigti siya at namatay dahil sa asphyxiation.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Thomas, Mike (Pebrero 24, 2002). "A nose for laughs". Chicago Sun-Times. Nakuha noong Disyembre 14, 2009.
  2. McMullen, Marion (Oktubre 5, 2002). "Article: Weekend TV: Star profile. (Features)". Coventry Evening Telegraph. Tinago mula sa orihinal noong 2012-11-04. Nakuha noong Disyembre 14, 2009.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.