Ano ang nakapublikong impormasyon sa Facebook?

Ang isang bagay na nakapubliko na makikita ng sinuman. Kabilang doon ang mga taong hindi mo mga kaibigan, taong wala sa Facebook at taong gumagamit ng iba’t ibang media tulad ng print, broadcast (halimbawa: telebisyon) at iba pang site sa Internet. Halimbawa, kung ginagamit mo ang aming mga serbisyo para magbiay ng real-time na nakapublikong comment sa isang show sa telebisyon, maaaring lumabas ito sa show o sa ibang lugar sa Facebook.
Anong impormasyon ang nakapubliko?
Ang ibinabahgi mong impormasyon na palaging nakapbuliko ay ang: Ilan sa impormasyon na ibinibigay mo sa amin kapag nag-fill out ka ng iyong profile ay nakapubliko, tulad ng range ng iyong edad, wika bansa. Ginagamit din namin ang isang bahagi ng profile mo, na tinatawag na Nakapublikong Profile. para tulungan kang makipag-ugnayan sa iyong mga kaibigan at pamilya. Kasama sa iyong Nakapublikong Profile ang iyong pangalan, kasarian, username at user ID (numero ng account), litrato sa profile, at cover photo. Nakapubliko rin ang impormasyong ito. Ang ilang paraan na tinutulungan kami nitong ikonekta ka ay:
  • Ang iyong pangalan, litrato sa profile at cover photo ay tinutulungan ang mga tao na makilala.
  • Nakakatulong sa amin ang kasarian para ilarawan ka (halimbawa: "Idagdag siya bilang isang kaibigan").
  • Nagbibigay-daan sa ibang tao ang paglista ng iyong mga network (halimbawa: paaralan, workplace) para mahanap ka nang mas madali.
  • Ang username at user ID (halimbawa: ang iyong numero ng account) ay nasa URL ng profile mo.
  • Tumutulong ang range ng edad na bigyan ka ng content na naaangkop sa edad.
  • Tumutulong ang wika at bansa na bigyan kami ng naaangkop na content at mga experience.
Ang impormasyon na ibinabahagi mo nang sa publiko: Kapag pinili mong magbahagi ng isang bagay sa Nakapubliko (halimbawa: kapag pinili mo ang Nakapubliko mula sa audience selector), itinuturing itong pampublikong impormasyon. Kung magbabahagi ng isang bagay at wala kang makitang audience selector o isa pang setting sa privacy, nakapubliko rin ang impormasyong iyon. Alamin pa ang tungkol sa pag-edit ng kung sino ang makakakita ng iyong pangunahing impormasyon sa Facebook profile mo at paggamit ng audience selector para kontrolin kung kanino ka nagbabahagi kapag nagpo-post ka sa Facebook.
Bagay na ibinabahagi ng ibang tao: Kung nagbabahagi ang ibang tao ng impormasyon tungkol sa iyo, kahit ito ay isang bagay na ibinahagi mo sa kanila pero hindi isinapubliko, mapipili nilang gawing nakapubliko ito. At saka kapag mag-comment ka sa mga nakapublikong post ng ibang tao, nakapubliko rin ang iyong comment.
Mga Post sa mga Facebook Page o mga nakapublikong grupo: Ang mga Facebook Page at pampublikong grupo ay mga pampublikong lugar. Ang sinumang makikita ang Page o grupo ay makikita ang iyong post o comment. Sa pangkalahatan, kapag mag-post o mag-comment sa isang Page o sa isang pampublikong grupo, pwedeng ma-publish ang kuwento sa News Feed pati rin sa iba pang lugar sa o wala sa Facebook.
Tandaan na ang pampbulikong impormasyon ay maaaring:
  • Nauugnay sa iyo, kahit wala sa Facebook.
  • Lalabas kapag mayroong maghanap sa Faceook o sa isang pang search engine.
  • Maa-access na isinama sa Facebook na mga game, application at website na ginagamit mo at ng iyong mga kaibigan.
  • Maa-access ng sinuman na ginagamit ang aming mga API, tulad ng aming Graph API.
Nakatulong ba ito?
Oo
Hindi