Unang Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
               43,341 artikulong nasa Tagalog.
               Miyerkules Oktubre 20, 2021 17:55 (GMT+8:00)
               Sariwain
One Direction at the Logies Awards 2012.jpg

Ang One Direction (daglat: 1D) ay isang pop na bandang Britaniko (British pop boy band) na binubuo nina Niall Horan, Zayn Malik, Liam Payne, Harry Styles at Louis Tomlinson. Sila ay nakapirma sa Syco Records ni Simon Cowell matapos na mabuo at makamit ang ikatlong puwesto sa ikapitong serye ng The X Factor. Bunsod ng social media kaya naging matagumpay sa iba't-ibang bansa, ang apat na album ng One Direction, ang Up All Night (2011), Take Me Home (2012), Midnight Memories (2013) at Four (2014) ay nakabura ng mga dating rekord, nanguna sa mga talaan sa malalaking merkado, at nakagawa ng mga patok na awitin kabilang ang "What Makes You Beautiful", "Live While We’re Young", "Story of My Life", at "Steal My Girl". Kabilang sa kanilang mga nakamit ang apat na Gantimpalang Brit (Brit Awards) at apat na MTV Gantimpala sa Awit-Bidyo (MTV Video Music Awards). Kinatawan ng One Direction ang $50 milyong imperyong pang-negosyo (business empire) noong Hunyo 2012. Ipinroklama silang "Nangungunang Bagong Mang-Aawit" (Top New Artist) ng 2012 ng Billboard. Matapos ilabas ang Four, ang One Direction ang naging unang banda sa kasaysayan ng Billboard 200 ng Estados Unidos na nagkaroon ng unang apat na album na nag-umpisang numero uno. Ang kanilang ikatlong album na Midnight Memories ang naging pinakamabiling album sa buong mundo noong 2013.

Lion (Panthera leo) old male Chobe.jpg

Ang leon o liyon (Panthera leo) ay isang espesye sa pamilyang Felidae at isang miyembro ng genus Panthera. Mayroon itong malaman, katawang may malalim na dibdib, maliit, bilugan ang ulo, bilog na tainga, at isang mabuhok na tuktok sa dulo ng buntot nito. Sekswal na dimorpiko ito; mas malaki ang adultong lalaking leon kaysa mga babae at prominente ang melena (buhok na pumapalibot sa leeg) sa adultong lalaki. Isang espesye na mahilig makipagkapwa ang mga ito, na nagbubuo ng mga pangkat na tinatawag na kawan ng leon. Binubuo ang isang kawan ng ilang adultong lalaki, kaugnay na mga babae at mga katsoro (o maliit na anak ng leon). Kadalasang nangangaso ng sama-sama ang mga babaeng leon na sinsila ang malalaking ungulata sa karamihan. Ang leon ay parehong maninilang nasa tutktok (apex predator) at susing maninila (keystone predator); bagaman nanginginain ang ilang leon kapag may pagkakataon at nakikilala silang nanghuhuli ng tao, tipikal na hindi ginagawa ng espesye na ito.

May-akda ng larawan: Charles J Sharp

National Scientist Ramon Barba.jpg
  • Kuwarentenang pampamayanan ng COVID-19 sa Pilipinas: Ipinabatid ng IATF-EID na binabaan ang alerto ng Kalakhang Maynila sa Antas ng Alerto 3 simula Oktubre 16, na pinapahintulot ang mga sinehan at mga liwasang libangan na muling magbukas sa unang pagkakataon mula noong Marso 2020.
  • Sinaksak hanggang mamatay si David Amess, ang kasapi ng parliyamento ng Reino Unido para sa Southend West, sa Leigh-on-Sea, Essex, habang nakikipagpulong sa mga nasasakupan sa Simbahang Metodista ng Belfairs. Naaresto ang suspek sa pinangyarihan, at walang ibang hinahanap ang mga pulis na may koneksyon sa insidente.
  • Hindi bababa sa siyam na tao ang namatay sa Pilipinas noong nagkaroon ng mga pagbaha at pagguho ng lupa na dinulot ng Bagyong Maring (Pangalang pang-internasyunal: Kompasu).
  • Kinumpirma ng Amerikanong serbisyong streaming na Netflix na ang seryeng pantelebisyon mula sa Timog Korea na Squid Game ang pinakapinapanood na programa sa buong mundo, na napanood na ng higit sa 111 milyong akawnt simula nang nailabas ito noong Setyembre.
  • Pumanaw ang imbentor, siyentipiko at Pambansang Alagad sa Agham na si Ramon Barba (nakalarawan) sa edad na 82.

Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

Bridge Laguna Garzón¡.jpg

Oktubre 20

Mahabang Martsa

Mga huling araw: Oktubre 19Oktubre 18Oktubre 17

Ngayon ay Oktubre 20, 2021 (UTC) – Sariwain ang pahina
  • Cup-o-cofee-simple.svg Kapihan – Puntahan ng pamayanan ng mga patnugot upang talakayin ang mga pangkalahatang paksa o tanong tungkol sa mga alalahanin sa at iba pang aspeto ng Tagalog na Wikipedia.
  • Cscr-featured.svg Napiling Artikulo – Pahinang lapagan para sa mga tinampok na artikulo sa Tagalog na Wikipedia.
  • Cscr-candidate.svg Nominasyon ng mga Napiling Nilalaman – Pahina sa pagnomina ng mga itatampok na artikulo at larawan.
  • Admin mop.PNG Tagapangasiwa – Pahina tungkol sa pangkalahatang impormasyon sa mga tagapangasiwa ng Tagalog Wikipedia at kung paano makikipag-ugnayan sa kanila.

Crystal Clear app email.png   Embahada at koordinasyong multilingguwal   Crystal Clear app email.png

Ambasada · Ambasciata · Ambassad · Ambassade · Botschaft · Embaixada · Embahada · Embajada · Embassy · 大使館

Koordinasyong multilingguwal · Paano magsimula ng isang Wikipedia

Pinapaandar ang Wikipedia ng Pundasyong Wikimedia, isang di-kumikitang organisasyon na pinapatakbo din ang iba pang mga proyekto: