Si Ariadna Thalía Sodi Miranda Mottola, higit na kilala bilang Thalía lamang, ay isang mang-aawit at aktres mula sa Mehikong nagantimpalaan ng Latin Grammy. Isa siya sa mga kilalang aktres sa telebisyon, at nakapagbenta ng halos 20 milyong album sa buong mundo. Nang namatay ang kanyang ama sa sakit na diabetis, nang siya ay limang taon pa lamang, si Thalía ay hindi man lamang nakapagnigkas ng kahit isang salita nang isang taon. Nag-alala ang kanyang pamilya sa kanyang katayuan, na naging dahilan sa pagpapatingin sa kanya sa isang sikologo. Idolo niya si Nadia Comaneci, isang sikat na himnasta. Kaya si Thalía ay nag-ambisyong maging isang gymnast. Maraming nakakapagsabing mayroong alitan sina Thalía at Paulina Rubio, ang dating kasamahan ni Thalía noong sila ay miyembro pa ng grupong Timbiriche. Nagsimula ang kwentong ito nang ang dalawa ay, hindi umano, nag-away bago magsimula ang isang pagtatanghal, ito raw ay dahil masyadong maganda raw si Thalía kaysa kay Paulinang nagdulot naman ng pagkainggit niya kay Thalía. Nagtambal sina Thalía at Eduardo Capetillo, isang dating miyembro ng Timbiriche, sa telenobelang Marimar. Habang namatay naman ang kanyang nobyong dapat papakasalan niya nang si Alfredo Díaz Ordaz, ang gumawa ng una niyang dalawang album, noong Disyembre 16, 1993. Ito ang naging dahilan sa paghiwalay ni Thalía sa Timbiriche, at pagiging malayo sa balitang ito noong panahon ng Marimar.
Ang leon o liyon (Panthera leo) ay isang espesye sa pamilyang Felidae at isang miyembro ng genusPanthera. Mayroon itong malaman, katawang may malalim na dibdib, maliit, bilugan ang ulo, bilog na tainga, at isang mabuhok na tuktok sa dulo ng buntot nito. Sekswal na dimorpiko ito; mas malaki ang adultong lalaking leon kaysa mga babae at prominente ang melena (buhok na pumapalibot sa leeg) sa adultong lalaki. Isang espesye na mahilig makipagkapwa ang mga ito, na nagbubuo ng mga pangkat na tinatawag na kawan ng leon. Binubuo ang isang kawan ng ilang adultong lalaki, kaugnay na mga babae at mga katsoro (o maliit na anak ng leon). Kadalasang nangangaso ng sama-sama ang mga babaeng leon na sinsila ang malalaking ungulata sa karamihan. Ang leon ay parehong maninilang nasa tutktok (apex predator) at susing maninila (keystone predator); bagaman nanginginain ang ilang leon kapag may pagkakataon at nakikilala silang nanghuhuli ng tao, tipikal na hindi ginagawa ng espesye na ito.
Ginawad ng Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot ng Pilipinas ang unang EUA (emergency use authorization o pahintulot sa paggamit sa emerhensiya) para sa gamot na Ronapreve upang gamitin sa panggamot sa sakit na COVID-19.
Nanalo ang nobelistang taga-Tanzania na si Abdulrazak Gurnah ngGantimpalang Nobel sa Panitikan ng 2021, "para sa kanyang matatag at mahabaging pagtagos ng mga epekto ng kolonyalismo at ang kapalaran ng mga takas."
Kapihan – Puntahan ng pamayanan ng mga patnugot upang talakayin ang mga pangkalahatang paksa o tanong tungkol sa mga alalahanin sa at iba pang aspeto ng Tagalog na Wikipedia.
Napiling Artikulo – Pahinang lapagan para sa mga tinampok na artikulo sa Tagalog na Wikipedia.
Nakasulat ang Wikipedia na ito sa Tagalog, isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Mayroon din ibang Wikipedia na nakasulat sa ibang wika na mula sa Pilipinas na nakatala sa sumusunod.